Kwentong Kengkay

Pebrero 28, 2012

magbisikleta tayo, may libreng t-shirt pa

Department of Health presents the Healthy Lifestyle Awareness Campaign on the Ill-Effects of Smoking
on March 15, 2012 from 6AM TO 10AM at the CCP Complex, Pasay City.

Registration Fee: FREE
Registration Area: On-Site

Department of Health is promoting Healthy Lifestyle Campaign to public through BIKING. In view to this, the Center of Health Development for Metro Manila, in partnership with the Framework Convention Alliance for Tobacco Control Philippines (FCAP) and the local government units is organizing the “Healthy Lifestyle Awareness Campaign on the Ill-Effects of Smoking.”

The fun ride will be on March 15, 2012 (Thursday) from 6am to 10am at the Liwasang Ulalim, CCP Complex, Pasay City.

DOH will be giving out 900 FREE JERSEY to all participants. Be there and bring your bike. Free jerseys to be given to bikers on site.

SALI NA!!!

na-alala ko tuloy ang aking bike. tagal ko na ring hindi nagbibisikleta. lalo pa at sa bundok na kami nakatira. tipong ang bilis pababa na hindi na kailangang magpedal pa kundi dapat parating handang mag-preno at ang bagal pataas na sa totoo lang, itulak ko na lang ang bisikleta o kaya iwan sa isang tabi at kunin na may dalang sasakyan. ang tamad ko ano? sorry na!

naku, ang dami ko pa daw excuses! kung gusto ko talagang magbisikleta, kahit ano pa man, magpepedal ako. kaso mo… am scared, waaaa! huling upo ko kasi sa bisikleta ay nuong panahon pa ni kopong-kopong, nung naka-uniform pa ako na pang-eskwela at ang CCP complex ay mayron lang boom na boom kapag panahon ng pasko.

hindi ko na ibibilang yung una kong ginamit ang aking mountain bike nuong taong 2007. e kasi naman. tuwid naman ang kalye. wala namang trapik. ang lawak ng daan. walang katao-tao. ako lang at ang buong pamilya ang may-ari ng daan kasama ng aming mga bisikleta. aba naman. sa isang saglit ay napadpad ako sa loob ng gubat! waaaa…

bumulusok ako kasama ng aking bagong bisikleta sa isang madahon at masikip na halamanan. mabuti na lang nakapreno ako kundi tuloy ako sa tubig, hahaha… pero ang sakit po talaga. at natakot ang beauty ko. baka sa sunod ay maging amphibian na ang aking bike. o kaya ako ay maging sirena, wweeee.

wala namang nakakita, mabuti na lang. pero yung buong pamilya ko takang-taka kung bakit paika-ika akong lumabas ng gubat. ganun kabilis ang bulusok ko! ang sabi ko sa kanila, wala lang, may nakita kasi akong something-something. pigil ang iyak dahil ang sakit talaga.

tuloy pa rin ang bisikleta time namin. kaso mo, nawindang na ako sa bike. hindi na tuwid ang daan para sa akin. at magmula nuon, naglakad na lang ako. nag-nordic walking, nag jogging. kapag nagbibike ang pamilya ay hindi ako paiiwan. jogging o kaya nordic walking ako.

pero ang kwento kong ito ay hindi para ma-turn off kayo sa bisikleta. ang kwento ko ay para i-encourage ko ang sarili ko na magkaron ulit ng lakas ng loob na magpedal uli. *buntonghininga…

pramis, sa darating na tag-init, magpepedal ulit ako. tuturuan daw ako ng mga little kengkays! at kapag hindi, trisikad na nga lang.

Advertisements

3 mga puna »

  1. jogging na lang ako with you, ms. kengkay! di ako marunong magbike! 😦

    Komento ni docgelo — Marso 2, 2012 @ 11:43 hapon | Sagutin

    • hello. first time ko dito sa blog ninyo. nakaka-aliw ang mga posts mo oreakpy. pabasa na rin ng mga luma mong posts ah. salamat. sisilip na lang ulit ako. ayos :Pps… enjor ur vacation.

      Komento ni Sobharaj — Marso 26, 2012 @ 7:19 umaga | Sagutin

    • angkas ka sa bike ko. am sure sesemplang agad tayo, hahaha

      Komento ni kengkay — Abril 3, 2012 @ 10:44 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: