Kwentong Kengkay

Marso 21, 2012

Oh Tia Maria

Filed under: Kwentong Kengkay — kengkay @ 8:17 umaga

Kakaiba ang mga memories na tumatakbo sa utak ko kapag na-alala ko ang Tia Maria.

Ang sarap ng feeling. Teenies. Party. Saya. Tawa. Kulitan. Kwentuhan. Sarap. Busog. Inom. Tipsy. Kilig. Iyak.

Lahat na yata ng ups and downs ng buhay ko ay nakatali sa Tia Maria. Wala lang. Dahil yata sa itsura ng Tia Maria. Dahil yata sa ingay ng Tia Maria. Dahil yata sa pagkain at inum sa Tia Maria. Dahil yata may poging waiter 🙂

Ang unang Tia Maria na napasok ko ay sa may Greenbelt. Feeling grown-up talaga. Feeling pwede kong magawa lahat ng gusto kong gawin. Dito rin ako unang nakatikim ng alcohol sa pamamagitan ng Margarita (Pitcher, please!) At dito rin ako nakatikim ng super sarap na tacos and dips.

Ikalawang Tia Maria na napasok ko ay yung sa may Malate. Medyo hindi na feeling ang mga nangyayari dun. Nung nadiskubre ko ang Tia Maria sa Malate ay ako na (feeling ako na, pero siyempre di ko alam, the arrogance of youth). Tipong, narating ko na ang gusto kong marating. Hindi na tacos and dips ang order. Kasama na ang enchiladas, tortillas, spicy chicken, at ang paborito kong calamares…pero loyal ako sa Margarita, yung may kulay, please.



Bakit ko naman daw biglang na-alala ang Tia Maria? Kasi na-miss ko ang calamares! Waaaa.

Hindi ko marunong magluto ng calamares. At importante, hindi ko alam kung saan makakabili ng matinong pusit para sa calamares.

Alam ba ninyo, dati ay ayaw ng mga little kengkays ng calamares. Pero dahil natikman nila ito sa mga restaurants sa may Mall of Asia by the Bay, naku, naging paborito na rin nila. Except kay kengkoy, ayaw pa rin nya ng calamares. Pero napansin ko, nung asa Pinas kami, kain din naman sya.

Dati ang tawag nila dun ay ‘gummi’ kasi nga parang bubble gum daw. E kasi nga, ang natikman lang nila ay yung gawang Alemanya. Na sa totoo lang ay kakaibang lasa talaga. Kahit ako hindi ko nagustuhan e. At may isang pang restaurant na talaga namang nakakasuka ang calamares nila, ugh!

Ayun, tagal ko ng hindi kumakain ng calamares! Nakakamiss!

Oh, calamares! Wala kang kapares 🙂

Advertisements

7 mga puna »

  1. hindi ko po alam kung nkapasok na ako sa tia maria pero sa kuwento nyo parang gusto ko ng i-try a. hehehe

    parang instant promotion sila rito. hehehe

    ako po hindi rin mahilig sa calamares, iyon ay dahil una allergic ako sa seafood.

    Komento ni hitokirihoshi — Marso 21, 2012 @ 9:29 umaga | Sagutin

    • naku, ako allergic sa chicken, sa shrimp at sa kung ano ano pa. pero di bale na, basta pagkain, wala akong pakialam. ayun, dahil sa katakawan, yung allergies ko nawala, hahaha. natalo sila, hmmp.

      Komento ni kengkay — Abril 2, 2012 @ 10:59 umaga | Sagutin

  2. CALAMARES!!

    Komento ni potsquared — Marso 28, 2012 @ 1:33 umaga | Sagutin

  3. love ko rin calamares. wala bang nabibing frozen sqid rings dyan? tapos hanap ka sa yout tube ng how-to. dali lang yan…hindi kasi dapat over cooked…ang pusit kasi pag nasobrahan, nagiging gummy….

    Komento ni nina — Marso 30, 2012 @ 6:11 hapon | Sagutin

    • naku, ayaw bumili ng asawa ko ng pusit. kahit frozen kasi double dead na daw, hahaha. di bale, sa sunod na punta ko sa asia shop, magpupuslit ako ng pusit. salamat sa tip!

      Komento ni kengkay — Abril 2, 2012 @ 11:01 umaga | Sagutin

  4. Clap,clap,clap. Proud to be? pinoy!!!!. Mabuhay ang Fil-am……. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

    Komento ni Susannah — Nobyembre 24, 2012 @ 4:27 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: