Kwentong Kengkay

Abril 24, 2012

Dear Christine Reyes,

Filed under: Kwentong Kengkay — kengkay @ 6:12 umaga
Tags: ,

Dear Christine Reyes,

Alam ko, wala akong paki-alam sa away ninyo ng ate mong si Ara Mina. Pero dahil sikat kayong dalawa, at meron akong blog… meron akong konting K.

Naalala ko, ikaw yung na-stranded sa rooftop ninyo nung Ondoy di ba? Naalala mo din ba na yung ate mong si Ara Mina ang isa sa mga unang gumawa ng paraan para ma-rescue kayo? Kung hindi sa ate mo, ano sa tingin mo ang naging resulta lalo pa’t ang daming nasalanta nung Ondoy? Kami, apektado din ng Ondoy at sobrang pasasalamat namin sa tumulong sa amin. Ikaw?

At oo nga pala, hindi ba’t ang ate mong si Ara Mina ang gumagawa din ng paraan nung mga panahong wala kayo? Ang Ate mo ang nag-trabaho para may makain kayo, di nga ba? Nung mga panahong iyon, ano kaya ang naging contribution mo? At nagpasalamat ka ba sa Ate mo sa mga ginawa nya para sa inyo, para sa iyo?

Sa tingin mo, kung hindi sikat ang Ate mong si Ara Mina, mapapansin ka rin kaya? Magiging artista ka rin kaya? Nagpasalamat ka ba sa Ate mo dahil naging sikat ka rin? At mukhang mas sikat ka pa nga sa kanya sa mga panahong ito e…

Kakampihan ko ang Ate mong si Ara Mina. Hindi lang dahil Ate rin ako, kundi dahil tama sya — hindi na ang kapatid nyang si Christine Reyes ang walang modong nagpapadala ng mga ma-sangsang na mga text messages sa kanya — kundi isang malditang pumasok sa katawan at isip ni Christine Reyes.

Kailangang na ng shock theraphy para madaling makawala ang tunay na Christine Reyes sa malditang nakapasok sa kanyang katawan at isipan. Tama ang iyong Ate Ara Mina, ayaw nyang malapatan ng kasamaan ang kanyang dignidad; kaya kailangan nyang gawin ito. At magtatagumpay sya.

At kung ano man si Ara Mina dati? Wala na kaming paki-alam dun. Kasi kung ano sya ngayon, yun ang importante sa amin.

Kaya Christine Reyes, kung ikaw talaga yang bruhildang nagtatalak sa iyong Ate Ara Mina ngayon? Kawawa ka naman. Pag-gising mo, isang araw, hindi ka na sikat. At ang maiiwan sa utak ng mga tao? Ay ang masangsang na ginawa mo sa Ate mo.

Totoo ang mga sinabi ni Lolo Jose Rizal, ang hindi tumingin sa pinanggalingan ay masahol pa sa masangsang na isda. Andito ako sa Alemanya ngayon, at dahil sa nangangamoy talaga ang ginawa mo sa ate mo, eto tuloy at naka-gawa ako ng love letter para sa iyo.

Love letter ito. Kasi warning para magising ka sa katotohanan: Hindi lamang pera ang dahilan kung bakit tayo nabubuhay sa mundo. At hindi tamang dahilan na batuhan mo ang ate mo ng mga masasangsang na salita, at atakihin ang ate mo na ‘guguluhin mo ang buhay nya’ kapag hindi nasunod ang gusto mo?

Dear Christine Reyes, si Ara Mina ay ate mo. Kadugo mo. Gumawa ng paraan para makakain kayo. Gumawa ng paraan para ma-rescue kayo nuong Ondoy. Naglatag ng daan para maging sikat ka rin. At ngayon, si Ate Ara Mina mo pa rin ang gumagawa ng paraan para mapunta ka sa tamang landas. Pakinggan mo sya. Para sa ikabubuti mo yan.

Hindi makatiis na mag-react sa mga chismis,
Kengkay

Advertisements

16 mga puna »

  1. wah…….showbiz ka pala kengs…alam mo kung totoo talaga na text yon ni Christine, grabe nga sya. Saka ang sinisingil nya eh yong pinambili ng bahay na para rin naman sa nanay nila…eh si ara naman pala naghulog noon, Si Christine lang nag down ng 1M. So ibig sabihin, wala syang contribution kasi sinisingil pa nya eh…

    Komento ni nina — Abril 24, 2012 @ 6:51 umaga | Sagutin

    • wee, affected masyado ano? feeling bestfriend si ara, pero kasi naman, kakainis talagang makarinig ng ganyan especially since guguluhin daw ang buhay ng ate nya e siyempre pati sarili nya guguluhin nya din di ba? hindi nya makita ang connect yata? usap na lang sana sabi nung ate nya, kaso nagbabanta pa sya. matuto sana sya sa mga pinag-gagawa nya.

      Komento ni kengkay — Abril 24, 2012 @ 7:19 umaga | Sagutin

  2. Anong chismis ito?! LOL

    Komento ni The Gasoline Dude β„’ — Abril 24, 2012 @ 7:46 umaga | Sagutin

    • hoy, magbasa ka, heheh. kung ako nga nagdalawang isip kung sino yung christine reyes e kasi magkaiba sila ng apelyido.

      Komento ni kengkay — Abril 24, 2012 @ 9:04 umaga | Sagutin

  3. .. sana mabasa ni christine reyes ito! mas maganda na nga si christine sa ate nya ngayon pero tama lang na mabigyan siya ng leksyon.

    Komento ni rob — Abril 24, 2012 @ 8:12 umaga | Sagutin

    • sana, rob, kahit di mabasa ni christine reyes itong love letter ko sa kanya ay malaman nya mismo sa sarili nyang mali ang mga ginagawa nya (kung totoo man ang mga chismis).

      Komento ni kengkay — Abril 24, 2012 @ 9:06 umaga | Sagutin

  4. Ang galing mo naman sumagap ng showbiz tsika kahit nasa alemanya ka! hehehe! Di ko alam to ah! Sayo ko lang nalaman. Salamat sa impormasyon!

    Komento ni anney — Abril 24, 2012 @ 12:57 hapon | Sagutin

    • op kors, anney, nasagap ko yan sa FB. nung una nga nagisip pa ako talaga kung sino si christine reyes e. hehehe.

      Komento ni kengkay — Abril 25, 2012 @ 7:24 umaga | Sagutin

  5. Ay! Hindi ko alam kung anong kaguluhan ito, pero nararamdaman kong ate-baby girl issues ito.Bilang isang responsableng ate(ahem ahem), ako’y nalulungkot sa mga ganitong issue, pero dahil hindi ko masyadong alam ang issue, medyo malungkot lang ako. Sana’y makarating ito kay Christine Reyes para medyo maliwanagan siya. Magandang love letter πŸ™‚

    Have a nice day πŸ™‚

    Komento ni athinakristell — Abril 25, 2012 @ 10:21 umaga | Sagutin

  6. translate thi blog into Spanish

    Komento ni doroastig — Abril 29, 2012 @ 10:11 umaga | Sagutin

  7. Wow! Ayos to ah! Fresh na fresh mommy kengks! Thank you sa info! Hahaha.. Makapag-basa nga tungkol sa showbiz. Nami-miss ko na. Haha..

    Palagay ko publicity lang yan. Pero tama ka po, si Christine Reyes mismo ang masisira kung totoo nga yang ginagawa niyang yan. Fan ako ni Ara Mina, hindi dahil naghubad siya noon, kundi humble ang babaeng yan, forevermore. Hehe.. Thank you po sa post na ito. Sige mag-google na ako. ^_^

    Komento ni emilayskie — Mayo 2, 2012 @ 3:40 umaga | Sagutin

  8. hayy naku marami na akong narinig tungkol sa mga magkapatid pero parang first time kung makarinig ng ganitong eksena na daig pa ni Cristine Reyes ang rapist sa pagbababoy sa isang babae, ang tingin ko binaboy niya ang ate niya sa kung anu-anong tinext niyang below the belt… pero parang wala lang sa kanya… PACUTE pa din, well ang alam ko lang mataas na ang kaalaman ng mga pilipino, kaya she can’t FOOL us… mas ibigay ang suporta sa mga may mababang loob na artista at hindi sa isang INGRATA….. AT BABOY…..

    Komento ni GEE — Mayo 2, 2012 @ 6:50 hapon | Sagutin

  9. haha isyu isyu yan…

    mejo nakakahiya para sa knila ang nangyari naturingan pa namang magkapatid :/

    Komento ni bagotilyo — Mayo 4, 2012 @ 4:44 umaga | Sagutin

  10. Hi kengkay, pwede friend tayo sa facebook?

    Komento ni Jm beldua — Mayo 25, 2012 @ 6:10 umaga | Sagutin

  11. isang malaking CHECK sa post na ito. hindi pinapagpala ang mga ingrata. bow.

    Komento ni Iya Santos — Hunyo 5, 2012 @ 6:18 umaga | Sagutin

  12. Tinkling represents Philippines πŸ™‚ astigmatism pinoy!! All over the world.? Im one of the Filipino Pride :D….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

    Komento ni Lavonia — Nobyembre 24, 2012 @ 4:01 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: