Kwentong Kengkay

Mayo 10, 2012

sali tayo: the footprints project

Filed under: Kwentong Kengkay — kengkay @ 7:07 umaga

oo nga naman, hindi gumagamit ng kubyertos ang mga isda.

kaya kung susugod sa dagat para mag-enjoy; kailangang isipin din natin na dapat ding mag-enjoy ang mga isda, di ba?

pwes, naglista ako ng mga paraan para hindi mapilitang gumamit ng kubyertos ang mag isda.

mga paraan para maging matagumpay ang the footprints project:

1. mag-kamay: ang sarap yata mag-kamay kapag sa dagat ang kainan, tapos libre pa ang hugas!

2. gumamit ng dahon ng saging: kapag nagpi-piknik kami dati, sa dahon ng saging namin binabalot ang kanin. at minsan para mas simple, naka-hiwahiwalay na ang pagkain o ang baon na nakabalot din sa dahon ng saging. andun na ang kanin, na may adobong baboy/manok, tapos may pira-pirasong kamatis! at para talagang manatiling mainit ang pagkain, binabalot pa namin ng mga ilang tapal ng diyaryo! pagbukas ng dahon ng saging, mainit pa ang pagkain at ang bango talaga.

3. prutas ang dalhin para sa masaganang panghimagas at snack time (sige na nga, pwede rin ang mga chichiria pero huwag kung saan-saan itapon ang inyong wrappers!)

4. at para siguradong may pagtatapunan, magdala ng sariling plastic bag para sa basura. minsan kasi malayo ang basurahan, katatamarang dalhin dun ang basura, di ba? at kiber, kung akala ninyong walang nakakita, nakabantay ang mga isda!

5. para sa mga sigarilyong lumulutang sa dagat: alam nyo rin bang hindi rin naninigarilyo ang mga isda? kaya kung tapos na ang inyong paninigarilyo, ilagak ang naiwang filter sa basurahan, siguraduhin lang na wala ng upos ito. at baka naman magsimula pa ng sunog.

6. yung mga bote ng inumin: kung may balak kayong mag-message in a bottle, okay lang. pero isang botelya lang ang kailangan. hindi buong case! ilagay ang inyong mga gamit na botelya sa basurahan; kung hindi man ibalik sa case. at huwag na huwag itapon sa dagat. ayaw din ng isda ng bubog, lalo na ng mga paa natin.

7. at paki-usap lang: kung may makitang basura sa dagat? pwedeng koletahin ito at ilagay sa basurahan? siguro naman sa buong araw na pag-tigil ninyo sa dagat ay pwedeng mag-laan ng ilang minuto para magkolekta ng basurahan sa laot at sa baybayin? ginagawa namin yan kapag kadarating pa lang namin sa dagat. iikot muna kami para tingnan kung may bubog, lalong-lalo nang siguradong inspektiyonin kung may mga gamit na syringe needles, matatalim na bagay at basura. kokolektahin ang mga iyon at ilalagay sa basura. pagkatapos, libre ng mag-footprints in the sand. at bago kami umalis, iniiwan naming malinis ang aming lugar. totoo yan, kasi takot na takot ang mga little kengkays na makatapak ng kung ano dahil sa masamang experience nila sa isang beach dito sa alemanya.

yan lang ang mga naisip ko. kapag may naisip pa kayo, makidadag na lang!

kapag ginawa natin yan, am sure makikiparty ang mga isda sa atin!

Advertisements

7 mga puna »

  1. luuuuv everything you wrote here, keng. nagutom ako bigla when i read ADOBO. i will definitely share this ha. :))

    Komento ni ldcariaso — Mayo 10, 2012 @ 7:16 umaga | Sagutin

  2. coool…. sarap kaya ka-party mga isda? hehehe

    Komento ni Radzi — Mayo 11, 2012 @ 1:18 umaga | Sagutin

    • hindi lang masarap ka-party, kundi masarap kausap (lalo pat hindi sumasagot), hehehe

      Komento ni kengkay — Mayo 11, 2012 @ 11:55 umaga | Sagutin

  3. Same here! I make sure na malinis ang lugar namin at walang naiwan na basura. Marami kasing tao pinapabayaan na lang nilang makalat lugar nila umaasa pa sa ibang tao na linisin kalat nila. Kainis yung ganun. Bigla ko na miss piknik namin using dahon ng saging! Sana maulit namin muli!

    Komento ni anney — Mayo 11, 2012 @ 1:36 umaga | Sagutin

    • hi anney, alam mo nung dati, meron kaming puno ng saging dito sa alemanya. ang nakakatuwa, nalalanta saya kapag winter, tapos kapag summer, basta na lang ulit syang umuusbong! napabayaan lang kaya ayun, nawala na rin. mas masarap kumain gamit ang dahong saging!

      Komento ni kengkay — Mayo 11, 2012 @ 11:56 umaga | Sagutin

  4. join ako dito .. tama nga naman .. kawawa ang mga isda 🙂

    Komento ni bagotilyo — Mayo 15, 2012 @ 8:44 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: