Kwentong Kengkay

Mayo 24, 2012

it’s time to support pinoy products

oo naman, panahon na para ipagmalaki ang sariling atin. sa totoo lang, mas maganda naman talagang di hamak ang made in pinas. kailangan nyo lang malaman kung alin, alin, alin ang kakaiba.

ako, matagal ko ng ginagawa yan. ang maghanap ng kakaiba pero tunay na made in pinas pa rin.

katunayan? kapag bumibista kami sa pinas, ang bitbit kong pasalubong ay lahat made in the philippines.

ang pinakasikat sa mga dinala kong pasalubong dito sa alemanya ay ang cloth bags na binili ko sa filipiniana section ng isang department store sa pinas. dahil nga hindi uso dito ang plastic bags kapag nag-go-grocery ay panay cloth bags ang dala nila, kundi naman, plastic boxes.

at dahil sa pasalubong kong cloth bags na made in pinas, aba, mas mukha na silang donya kapag nasasalubong ko sila sa grocery stores. ang nakakatuwa nito, halos dalawang taon ko ng ibinigay sa kanila ang mga bags na iyon ay gamit-gamit pa rin nila hanggang ngayon!

at para sa akin, parati akong may dalang bayong para sa sarili kong saya 🙂

tungkol pa rin sa mga bags as pasalubong, sabi naman nung isang kaibigan; sinamay bags naman na makulay ang dala nyang pasalubong sa mga banyaga nyang kaibigan. tuwang-tuwa din at ginagamit pa talaga sa opisina! o di ba?

recycled wallet from a women’s house in pasig

sikat din ay ang mga miniature jeepneys at sidecar/trisikad/padyak; pati tricicle kamo. sa mga nagkokolekta ng mga sasakyang miniatures dito sa alemanya, nakakatuwang makita sa tokador nila na nakalinya ang ating king of the road talaga.

at ang walang kamatayang t-shirts na may mga tatak ng magagandang tanawin sa pinas, o kahit na yung mga quotes na pinoy na pinoy. gustong-gusto din yan ng mga banyaga.

para naman sa mga teenies, ang parati naming bitbit ay ang mga alahas na gawa sa pinas — daming pwedeng pagpilian talaga: relos, singsing, earrings, necklaces, bracelets. Simple pang dalhin dahil maliit lamang sila.

para naman sa mga tunay na lalaki, ang special request ay ang tanduay, kundi man san miguel beer. o kaya naman, yung mga wine/beer glasses na may drawings na pinas na pinas ang dating.

ay, hindi na uso yung mamang may lumalabas na kuwan kapag inalis yung drum. pati na yung mga itak na maliliit.

marikina made



at para sa aming pamilya naman: bitbit namin ang aming made in marikina shoes, ang aming tsinelas na binili sa palengke, ang kilo-kilong tela at damit na binili sa taytay, rizal; ang mga Christmas decors na bargain galing sa divisoria, ang tabo na binili sa baclaran, ang jeans leggings na tinawaran sa sidewalk, ang palayok na dala galing batangas, ang sungka na binili sa palengke ng malibay, ang shawl na galing baguio, atbp.

palayok

sungka

at siyempre, ang tabo!!! oo naman, kapag napadpad kayo sa aming banyo? andun ang healing oil ng el shadai, ang cologne ng johnson and johnson, at ang sanitary balm na gawa din sa pinas. ubos na yung ever bilena kong lipstick e 🙂

toiletries made in pinas

at huwag kalimutan ang pinaka-star kapag pasko dito sa aming baryo, ang parol na galing pampanga!!! pati ang original na parol na may buntot, meron din kami!

oops, muntik ko ng malimutan, siyempre nagho-hoard din kami ng pagkaing pinoy na hindi matatagpuan dito sa alemanya. meron kaming toyo, patis, mang tomas, magic sarap, crispy fry, ibat ibang mama sita flavors, chicharon, atbp — at kung pwede lang mag-bitbit ng fried mani at fresh mangoes, sigurado ko, bitbit din namin sila!!!

at siyempre, dahil nga nalunod sa ondoy ang bahay namin sa pinas — lahat halos ng furnitures namin ngayon dito sa alemanya ay made in pinas 🙂

kayong mga asa ibang bansa, anong paborito ninyong pasalubong galing pinas? anong dapat ninyong bitbitin pagkatapos ng bisita sa pinas?

Advertisements

8 mga puna »

  1. mabuhay ka, mareng kengks! may your tribe increase! dapat lang na tangkilikin nating ang sariling atin. that’s how you build a healthy industry. we are only helping other countries by buying foreign-made products. kinuha na nga nila ang mga OFWs, pati ba naman yung pera ng mga naiwan ay sa kanila pa rin mapupunta? baaad.

    Komento ni ben gorilya — Mayo 24, 2012 @ 1:14 hapon | Sagutin

  2. .. minsan nagdala ako ng recycled wristlet (gawa sa magasin) at binigay ko para sa asawa nung algerian na katrabaho ko dito, natuwa naman daw yung babae. usually pasalubong ko dito mga t-shirts na may tatak pinas, key chains, boy bawang, sky flakes at dried mangoes. 😀

    Komento ni rob — Mayo 25, 2012 @ 5:20 umaga | Sagutin

  3. Nakakatuwa ka naman! Talagang marami kang pinas products na ginagamit dyan sa alemanya. Miss ko na maglaro ng sungka! Makabili nga nyan. hehe!

    Komento ni anney — Mayo 25, 2012 @ 1:29 hapon | Sagutin

  4. products ng philippines? = nagpapatunay na its more fun in the philippines tlga :))

    Komento ni bagotilyo — Mayo 28, 2012 @ 5:52 umaga | Sagutin

  5. yes…panahon na nga talaga!

    Komento ni Manul-nulat ng Bayan — Mayo 29, 2012 @ 10:52 umaga | Sagutin

  6. Wow ayos po itong post mo Mommy Kengkay. May idea na ako kung anong pwedeng ipadala galing Pinas. Ang dami ko ng mga bagay na nami-miss talaga grabeh. Ngayon ko lang na-appreciate yung mga ganun nung napadpad na ako rito.

    Shocks gusto ko bumili niyang sungka! Ituturo ko sa mga tao rito at mga batang pinoy rin na hindi na marunong maglaro niyan. Thank you po sa post ninyo.

    Komento ni emilayskie — Mayo 31, 2012 @ 1:40 umaga | Sagutin

  7. Marami ding export quality brands na gawa sa Pinas kagaya ng Nautica o Ralph Lauren Polo. Kung titignan mo yung eteketa – “Made in the Philippines” – most of the time that would make me buy 🙂 Kung sa pasalubong – yung chess set na kahoy – magandang dalhin.

    Komento ni rommelrommel — Mayo 31, 2012 @ 9:13 hapon | Sagutin

  8. dapat lang. tangkilikin ang sariling atin. pero dahil sa sobrang ma sosyal ang karamihan na mga pinoy ay produkto ng ibang bansa ang binibili. siyempre pa sosyal.

    Komento ni arvin — Hunyo 30, 2012 @ 1:40 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: