Kwentong Kengkay

Hunyo 19, 2012

aso at bisikleta sa pasay may tax na

there is now an annual tax on domesticated dogs and bicycle powered by the feet for private use

Dated June 8, 2012

From the Office of the City Treasurer
Important Notice

To all the owners of dogs and bicycles in Pasay City

Please be informed that pursuant to the provisions of Sections 82 and 83, Chapter 27 of City Ordinance No. 1614, Series of 1999 (Pasay City Revenue Code), you are hereby required to pay an annual tax on domesticated dog found in your household in the amount of 20 pesos and bicycle powered by the feet for private use within the city of Pasay in the amount of 30 pesos.

Signed,
Manuel Leycano Jr. DPA
City Treasurer

———————-

This is Pasay City. They tax people with bikes, they tax people with dogs. How could they have ended up with such weird taxation rules? Tinanong ba nila ang mga taga-Pasay?

Fair or unfair? Ang alam ko, nakakatawa! Nakakatawa na nakakainis. Hindi nga ba?

Bakit nga?

May nakita ba kayong bike lanes sa Pasay? May nakita ba kayong safe parking para sa mga bisikleta sa Pasay? May narinig ba kayong plano para magkaron ng bike lanes sa Pasay? Saan daw mapupunta ang tax para dito?

Para sa mga pagkakaron ng aso naman. Meron bang libreng vaccination, anti-rabies project para sa mga aso? May balak ba silang lagyan ng microchips ang mga aso? Meron bang animal shelter sa Pasay sakaling walang pambayad ang mga nag-mamayari ng aso ng kanilang tax at kumpiskahin nila? Saan daw mapupunta ang tax para dito?

Pinuntahan ko ang website ng Pasay City, ni wala ngang nabanggit tungkol sa taxation na ito e. Wala man lang information dissemination. Sa Facebook ko nga lang nabasa ito e.

Paano nila ipararating sa mga taga-Pasay ang tungkol sa taxation sa aso at bisikleta? Paano sila maniningil? Paano ang control? Paano ang inspection? Ang daming tanong, sana may matinong sagot.

Sana may matinong sumagot!

Lalo pa dahil domesticated dogs found in your household daw. Papano kung ang aso mo parating gala sa kalsada at hindi domesticated kundi mas wild pa sa mga councilors na gumawa ng regulation na ito? remember, domesticated means tamed. Papano kung isa kang butihing animal lover at kumukupkop ng mga asong gala? Paano kung may mag inspect at may nakita silang asong nagtatago sa likod bahay ninyo e hindi naman sa iyo pala? Paano kung ang aso mo feeling pusa? Nakakatawa kasi sabi ng mga nagdidiskusyon sa Facebook ay suotan na lang daw ng costume ang kanilang aso para hindi na magmukhang aso 🙂

At siyempre, ang mas matindi, yung tax sa bicyle powered by feet for private use. Paano kung ang bisikleta mo ay powered by your hands? Paano kung ang bisikleta mo ay for public use? E siyempre hiraman kayo ng buong kamag-anakan, ibig sabihin, public use, di ba? Kapag private use kasi sa Pinas ibig sabihin sikreto mong gagamitin para hindi mahiram, mahirap yatang magbike ng walang nakakakita sa iyo?

At ang pinakamatindi, bicycle powered by the feet for private use within the city of Pasay!! WITHIN THE CITY OF PASAY!!! Ibig sabihin ba nito kapag ikaw ay galing ng Makati, Las Pinas, Paranaque, Cavite, at kung saan mang lupalop ng Pilipinas — kapag ikaw may parating dumaan ng Pasay City ay magbabayad ka rin ng tax???? Liwanagin!

Baka mabawasan na ng bisita ang Mall of Asia dahil sa bike tax na ito! Ano sa tingin ninyo?

Mukhang wala sa uso ang Pasay City government at ang kanilang mga konsehal ano? Imbes na i-encourage na maging environment-friendly ang mga tao, ginawa bang pabigat ang pagkakaron ng bisikleta. Ano nga ba ang sama na naidudulot ng bisikleta e mantalang healthy lifestyle nga ito atsaka walang dagdag polusyon. E ngayon, bago bumili ng bisikleta, kalkulahin muna ang budget para sa tax. Kalohan talaga oo.

Sabi nga ng isang taga-Pasay: To my people here in Pasay, we better remember to vote wisely this coming local election!!! Let’s look for new councilors that will repeal this unfair local ordinance!!!

Pero sa totoo lang, I am positive meron tayong magagawa para baliktarin ang kalokohang ito e. Ano sa tingin ninyo?

And if this is a joke? I would be the first to laugh out loud. Sana nga hindi totoo, please!

UPDATE: wala na daw, cancelled, deleted, repealed — no more taxes on domesticated dogs, no more taxes on bicycle powered by feet… dagdag joke time: alam nyo bang 1999 pa pala yang ordinansa na yan at ngayong 2012 nila inaprove tapos bago na-cancel yan ay may review committee pa pala. parang weird naman na ang review committee ay nag che-check ng ordinances and provisions pagkatapos ma approve ano? ayus ayusin naman natin… para hindi tayo magmukhang tanga, okay po?

Advertisements

15 mga puna »

  1. madami ngang tanong na dapat nilang sagutin.. basta lang ata inla nilabas yang panukala na yan para kumita… sana nga may sagot sila sa mga tanong na binigay mo kengkay..

    Komento ni potsquared — Hunyo 19, 2012 @ 10:17 hapon | Sagutin

    • nakakatawa, di ba? basta meron silang ordinansa, pero kahit sa website nila walang info about it or the programs. kaya nga sana joke lang ito e. mas okay na matawa na lang tayo.

      Komento ni kengkay — Hunyo 20, 2012 @ 11:39 umaga | Sagutin

  2. anong klaseng ordinansa to?? bike n environment friendly lalagyan ng tax. aso n nsa bahay mo lalagyan ng tax. ok lng sna lagyan ng tax ang dogs kung meron cla programs for dogs. kso nga wla nman. bka nga ni public vet wla ang pasay eh. ano b nman yung 20pesos or 30pesos for bike or dog. khit nga cgro 100pesos kung TLAGANG MERON CLANG GNGWANG PROJECTS FOR DOGS/BIKES OWNERS. Kaso wla nman… mpupunta lng to sa bulsa nila!!! Pati to naisipan gawan ng ordinansa pra mkapangurakot!!! shame sa mga gumawa ng ordinansang ito. Sana pinakita muna nila sa tao n merong gngwa nuon pa, tpos tsaka cla ngpa-implement…. BADTRIP!!!

    Komento ni Sofie — Hunyo 20, 2012 @ 3:03 umaga | Sagutin

    • di ba, sofie? kalokohang malaki e yung mga asong nakakalat nga sa daan wala silang magawa, pakiki-alaman pa yung mga asong may nag-aalaga. wala ngang public vet ang pasay. tapos yung bisikleta, walang polusyon, hindi kailangan ng malaking parking area, at tipid sa pasahe pa — tapos gagawin pang pabigat sa mga tao — naintindihan kaya nila ang ginawa nilang ordinansa? at hindi rin klaro yung mga bisikletang dumadaan ng pasay, may bayad din ba sila? ewan ko ba.

      Komento ni kengkay — Hunyo 20, 2012 @ 11:42 umaga | Sagutin

  3. Ang ine-encourage siguro nila ay ang gumamit ng sasakyan, para magmukhang mayaman ang mga tao sa Pasay, wag ka na magbike, masyado kang magiging environment-friendly at magiging healthy ka pa. Paano yung mga bata? Hindi na lang sila tuturuan ng mga magulang nilang magbike kasi may tax ang bike, kahit pa sabihin nilang kakarampot lang yung tax, malaki na rin yon para sa ibang tao. At hindi naman dahil sa amount, NAKAKATAWA kasi talaga. Para lang itong yung anti-angry bird bill. KALOKOHAN. NAKAKABUWISIT.

    Saka wag na tayong magalaga ng mga aso, patayin na lang natin silang lahat, biruin mo pag nanganak yung aso mo ng lima, times five agad yung tax mo, at siyempre kung ang limang yon ay manganganak din, panibagong tax na naman. Kainin na lang natin sila, balita ko masarap sila adobohin. O kaya adobohin natin yung nagpasa ng batas na ito, baka mas masarap sila.

    Ang stupid lang. Sobrang moronic move. Bat hindi sila magpatax sa bawat one cup of rice na sinasaing mo? O kaya pag may nakitang daga sa bahay mo, tax bawat daga, para yumaman sila gawin pa nilang ipis yung tax subject.

    Nababaliw na ang isip ko. Hindi ko to kayang intindihin. Hayayayay!

    Komento ni athinakristell — Hunyo 20, 2012 @ 12:40 hapon | Sagutin

    • i feel you, athinakristell…hindi ko rin maintindihan kung saan nila binunot ang ordinansang ito. kung ginawan muna kaya nila ng paraang mawala ang mga askal sa lahat ng sulok ng pasay? o kaya ayusin ang mga kalsadana parating puno ng ibat ibang klaseng sasakyan na halos wala ng madaanan? marami pang ibang bagay na dapat tutukan at hind ang mga ganitong bla-bla-bla

      Komento ni kengkay — Hunyo 22, 2012 @ 6:04 umaga | Sagutin

  4. Ay grabe naman. Parang lahat nalang talaga nagkakaron ng tax 😐 Sana may matino nga pong dahilan. Kasi pano naman talaga yung mahilig magkupkop ng aso? Buti di pa to naiisip ng city namin. Pag ganon eh, alam na. Ganito na ba talaga mga nasa government? lahat magkakatax, baka next time paghinga meron nadin buti nga sana kung may magandang dahilan kagaya po ng mga sinabi nyo. 😛

    Hello pala po, dating fan ako ng blog nyo! Ang galing, hanggang ngayon alive and kicking parin! 🙂

    Komento ni ‎ησ∂уηυ★彡 (@twinklepuff) — Hunyo 20, 2012 @ 5:00 hapon | Sagutin

    • hello dating fan 🙂 buti naman napabalik ka, heheh… sa totoo lang ha, bumabalik talaga si kengkay kapag mga ganitong topics ang gumugulo sa pinas, kainis di ba

      Komento ni kengkay — Hunyo 22, 2012 @ 6:05 umaga | Sagutin

  5. Election na po kc kaya need na nila ng funds para makatakbo sila…

    Komento ni Ethelness — Hunyo 20, 2012 @ 6:40 hapon | Sagutin

    • naku ethelness, kung iyan ang paraan nila para makakuha ng funds at gusto nilang maboto ulit?? fail sila dyan, bagsak….

      Komento ni kengkay — Hunyo 22, 2012 @ 6:06 umaga | Sagutin

  6. Well sa Pasay lang po yan isa lang po ibig sabihin, next na halalan wag po nating iboto kung sino man nakaisip nito, panigurado kanya kanya ng palusot at turuan kung sino nag pasa ng ordinansa. Mag ingat na sa pagpili manigurado at wag ibenta ang boto. Sa Aming Mahal na Mayor Calixto please do something and explain ikaw po nasisira dito, na inform ka po ba ng city treasurer nago nilabas ang notice? o sadyang di ito pinaalam para ka siraan.

    Komento ni Evangeline Desingco — Hunyo 21, 2012 @ 11:35 umaga | Sagutin

    • sa halalan at usisain kung sino ang matino, kung sino ang responsable, kung sino ang hindi power at money hungry — at please lang, wag magkamaling isulat itong mga taong nagpapasa ng ganito ka-weirdong ordinansa!

      Komento ni kengkay — Hunyo 22, 2012 @ 6:08 umaga | Sagutin

  7. PUNA!!!
    hindi maganda na mag tax ang mga bikers kc di naman nakakaperwisyo to eh. madami jan mga masasamang loob yun ang ayusin nila!!! mga nababalitaan ko about my friends na nag wowork dati jan sa city hall puro ghost employee tama ba nman yung ganun? napaka laking kalokohan ang ginagawa nila!!! yung mga illegal na mga terminal,, yung mga lubak na daanan dapat yun ang inaasikaso nila hindi yung mga walang kabuluhan na pamamalakad,, iniluklok nmin kyo jan para solusyunan ang mga suliranin ng pasay hindi yung papatayin nyo ang mamamayan ng pasay!!! masakit sa akin ang marinig ang balitang ito kung itutuloy nila!!! wala silang utang na loob sa mga nag halal sa kanila!!! ayusin nyo pamamalakad nyo!!! kahit saan nyo tignan mali ang pamamalakad nyo!!!! tama lahat ng sinabi ni kengkay wala kayo sa hulog!!!! yung ibang lokal nga ng metro manila binibigyan ng halaga ang mga bikers kasi hindi nakaka perwisyo sa mga tao,, kung baga nakakatulong pa sa katawan ng tao ang pag babike kasi napapanatili ang kalusugan sa katawan!!! maging magandang halim bawa naman kayo sa mga nasasakupan nyo!!!

    Komento ni Magicman Jonaut Deyta Gabaya — Hunyo 23, 2012 @ 10:16 umaga | Sagutin

    • hi magicman, sana pwede yung magic mo para mawala ang mga makukulit na nagpapatawang hindi naman matino ang ginawa kundi nakaka-asar lang. bisikleta na ginagamit ng mga taong umiiwas sa trapik, sa polusyon, sa gastos ng pamasahe at sa gastos ng gasolina — dagdag pa na maganda ang magbisikleta para sa katawan — tapos biglang papatawan ng tax– walang logic ano? inalis na daw nila yung tax, pero yung inisip at pinirmahan nila ang ganyang tax ay dapat tayong magisip-isip at maging vigilnt dahil baka magpataw ulit sila ng odinansa na ikabibigla natin… tama ka, magicman — maging magandang halimbawa naman tayo!!! hindi kayo nilagay nyan sa kinaluluklukan ninyo para magpatawa at manginis, nilagay kayo dyan para patinuin ang buhay natin sa pasay!!! gawin ninyo!

      Komento ni kengkay — Hunyo 23, 2012 @ 11:38 umaga | Sagutin

  8. para more income…..kaya lang hindi maganda kasi paano na ang dadaan lang sa Pasay na naka bisikleta pero taga ibang lugar..

    Komento ni arvin — Hunyo 30, 2012 @ 1:32 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: