Kwentong Kengkay

Hulyo 3, 2012

may pechay sa alemanya

patalastas: kung gusto ninyo kumita ng konting pang-shopping, join kayo dito sa clubshop.com easy lang, just click and be a member. at ang masarap, libre!!!
clubshop.com

Image

eto ang ebidensya. pechay na tunay yan!!

pero sa totoo lang, muntik ng maubos yang pechay na yan. kasi naman, hindi ko kilala ang itsura nya kapag umuusbong pa lang e. tapos, mas lalong hindi kilala ni kengkoy.

kaya naman bawat oras na naghuhugot kami ng mga weeds, pati yata ang pechay nahugot. tatlong bungkos lang ang nabuhay. yung iba nawala na. samantalang na-alala ko ay isang supot na seeds ang binuhos namin. yun nga lang, nalimutan naming pechay pala sya, oooopsss!

experimento lang. sinubukan kung mabubuhay ang pechay sa alemanya. buhay naman, yipeee!!

Image

nilagay namin ang pechay sa pagitan ng carrots, labanos at lettuce. kaso mukhang sobrang dikit din kaya nag-suffer ang mga halaman. na over excited kasi kaming mag-tanim ngayong taon e. sobrang dami yata ng tanim, kaya yung ibang halaman hindi lumaki ng todo.

pero pansinin ninyo ng pechay ha…

Image

imbes na pakalat ang paglaki nya, pahaba!! kaya nga namin sya napansin ay dahil ang tangkad na nya. at meron na syang bulaklak!

siyempre naman, binunot ko agad sya. ang ulam namin nung tanghalian? nilaga!! sarap!

Image

nilagang may spinach, hehehe!! sayang naman kasi ang dami rin naming spinach e. kaya bawat ulam, may halong spinach! pati nga aso namin, ang kanyang merienda, spinach biscuits!

alternative sa malunggay, spinach 🙂

gusto mong malaman ang iba pang tanim namin? eto.

uy nga pala, dati may ampalaya din kami sa likod bahay!!

Advertisements

9 mga puna »

  1. magandan yan at mukhang malapit na siyang mamulaklak… may pechay seeds ka na ulit 🙂

    Komento ni ben gorilya — Hulyo 4, 2012 @ 6:34 umaga | Sagutin

    • naku, hindi naman na-save yung bulaklak nya, super excited kasi akong bunutin. ayun.. naitapon agad yung bulaklak, hayss

      Komento ni kengkay — Hulyo 4, 2012 @ 9:53 umaga | Sagutin

      • aruuudyoskoh 😦 oh well, may 2nd try pa naman na kasunod 🙂

        Komento ni ben gorilya — Hulyo 4, 2012 @ 10:00 umaga

  2. Cool! Kami malunggay. Lahat ng pwedeng lagyan malunggay kulang na lang ibilot ko ang malunggay para gawing sigarilyo. Hahaha! Ngayon-ngayon lang ako nagsisimulang kumain ng gulay. Masarap ang pechay, well actually walang masyadong lasa ang mga gulay, pero masarap siya isawsaw at pag nakahalo sa mga sabaw, at pati na din pag salad. Hehehe.

    Komento ni athinakristell — Hulyo 8, 2012 @ 1:22 hapon | Sagutin

    • hehehe, baka nga pwedeng sigarilyong healthy ang malunggay ah, subukan! hehehe .. alam mo mabilis tumubo ang malunggay di ba? pampalasa lang talaga ang mga gulay, kasi on their own, parang walang lasa nga pwera na lang kung sabawan at saladan at sauce, di ba? ako late na din natutong kumain ng gulay, maarte din ako dati e. hahaha. ngayon, yummmm… mabuti na lang kasi itong mga little kengkays? maarte din sila dati, ngayong pati sila ay kasali sa pagtatanim, kumakain na rin sila. wala ng kaartehan sa gulayan.

      Komento ni kengkay — Hulyo 9, 2012 @ 11:45 umaga | Sagutin

  3. ang sarap .. ngutom ako..

    teka nga makapag lunch na :))

    Komento ni bagotilyo — Hulyo 11, 2012 @ 2:41 umaga | Sagutin

  4. Hi Kengkay,

    Nasa Alemanya na kayo… Ang galing naman.. kailan pa?
    May pinadala akong liham para sa iyo?
    Pakibukas at sagutin mo na rin…

    Maraming Salamat iha..

    Komento ni Akimbo Dianela — Hulyo 11, 2012 @ 11:12 hapon | Sagutin

  5. dahil ito ay sustansya

    Komento ni monaliza — Hulyo 26, 2012 @ 9:38 hapon | Sagutin

  6. Paanu ba mag tanim ng petchay kamatis at sibuyas sa ibabaw ng bubungan ko

    Komento ni Joel Pios Benignos — Setyembre 26, 2013 @ 6:37 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: