Kwentong Kengkay

Agosto 13, 2012

larong tansan

Filed under: Kwentong Kengkay — kengkay @ 10:38 umaga
Tags: , , , , ,

naalala pa ba ninyo ang larong tansan?

handa na para sa larong tansan

kami dito sa alemanya, hindi lang ala-ala, kundi ginagawa pa rin namin ang larong ito. nakakatawa kasi siyempre, ang unang kailangan para sa larong tansan ay tansan.

e hindi lahat ng bote dito may tansan, kasi kadalasan, plastic na ang botelya, kaya plastic din ang takip. talagang minadali ng mga little kengkays na makaubos kami ng beer para makapaglaro agad sila! mabuti na lang ang beer namin ay madalas alcohol-free o kaya flavored-beer, kundi, nalasheng na si kengkay at si kengkoy.

nung naka-ipon na ng karapat-dapat na bilang ng tansan, ready na! siyempre, may i-explain ko ulit sa kanila ang game rules.

tig-dalawang tansan ang bawat isa. gamit ang chalk, gumawa ako ng isang square kung saan ilalagay nila ang isa sa kanilang mga tansan. walang yayapak o lalampas sa markadong linya.

magsisimula ang laro para sa pinakabatang kalaro. itatapon nya ang natirang tansan sa square, target nyang palabasin sa square ang mga tansan.

papalit-palitan sila hanggang maubos ang tansan na asa loob ng square. kung sino ang may pinakamaraming tansan, sya ang panalo.

simple lang di ba? pero sobrang enjoy sila. alam din nilang laruin ang iba pang tradisyonal na laro sa pinas.

breaktime nila ang larong iyan habang nag-iisip kung sino pa ang kakatukin nila para hingan ng donasyon sa mga nasalanta ng baha nitong nakaraang araw sa pinas.

ang larong tansan

dalawang balikbayan boxes na ang napuno. pero may mga inaantay pa silang mga donated items. ang unang napunong balikbayan boxes ay manggagaling sa savings ng mga little kengkay ang pagpapadala. inaasahan nilang ang pangalawa (at pangatlo) ay manggagaling sa donasyon ng mga taong gustong tumulong.
gusto ninyong tumulong? eto ang link.

ang donasyon na nakolekta ng mga little kengkays kasama ng isang kaibigan para ipadala sa nasalanta ng baha sa Malibay, Pasay City

maraming salamat!

Advertisements

2 mga puna »

  1. madalas ako maglaro niyan noon….kung saan saan minsan namumulot ng tansan….

    Komento ni arvin — Agosto 18, 2012 @ 12:57 umaga | Sagutin

  2. Mayroon kaming mga laruan na gawa namin at hindi binili: trak-trakan (gawa sa rosebowl ang katawan at darigold na maliit ang mga gulong, “sketeng” (scooter) na bearing na maingay ang mga gulong at de-sinkong pako para sa preno; patining na pinitpit na tansan lang na may 2 butas sa gitna para suotan ng sinulid (pwede pang makipag-lagutan) ; sumpak, pilatok, boca-boca, borador, atbp.

    Komento ni silver price — Agosto 19, 2012 @ 2:33 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: