Kwentong Kengkay

Agosto 31, 2012

sekyu

Filed under: Kwentong Kengkay — kengkay @ 1:01 hapon
Tags: ,

sekyu. security guards.

kilala nyo sila. kadalasan naka-uniporme. nakatutok sa harapan o likuran ng establisimyento. taga-sara, taga-bukas ng mga pintuan, minsan pati pintuan ng sasakyan kanyo. o kaya naman, trapik aide para dun sa mga gustong lumabas na mga sasakyan. minsan taga-sita ng mga makukulit.

pero mas marahil mas kilala nyo sila dahil sa “Good morning/afternoon/evening” nila. maisip-isip ko nga, inglish kadalasan sila bumati. paminsan-minsan lang ako nakakarinig ng magandang umaga/tanghali/gabi — pero hindi ako nagrereklamo ha, naisip-isip ko lang naman.

kapag binabati kayo ng sekyu — anong ginagawa ninyo? binabalik nyo ba ang kanilang pagbati? o kapag nagmamadali, nagtatapon man lang ba kayo ng konting ngiti? at nagpapasalamat ba kayo sa kanila?

o hindi nyo na sila nakikita kasi halos bawat hakbang ninyo ay may security guard? at pare-pareho lang naman ang mga pagbati nila? at may tip naman silang nakukuha sa inyo? o tama ng naglalagay kayo ng pera sa kanilang envelope para sa pasko?

napansin ninyo na kahit na ilang beses kayong magbalik pasok sa isang establishment; paulit-ulit din silang babati, magbubukas-magsasara ng pinto, tutulong sa pagpark, etc etc —

kayo ba, paulit-ulit nyo rin ba silang binabati? pinasasalamatan?

araw-araw nilang trabaho yan, hindi sila nagsasawa. sigurado ko, mabubuo rin ang araw nila kapag binati sila ng maayos, binigyan ng ngiti, pinasalamatan.

ang pamilya ni kengkay? makukulit kami. labas-masok sa mga establishments, pati sa mga gated communities, madalas maki-usyoso e. pero kahit na ano pa, binabalik namin ang mga pagbati ng mga sekyu; pinasasalamatan sila.

at kadalasan, kapag bibili ng pandesal sa kanto, may dalang isang supot din ng pandesal para sa mga sekyu. kapag may natira kapag kumakain sa labas? ipapabalot namin, tapos ibibigay sa sekyu sa kanto. kapag may birthday o kung ano mang handa sa bahay at may sobra? may share ang sekyu sa kanto.

sa katunayan nga, nung lumipad ang aming alagang manok at tumambay sa loob ng barangay namin? sinabihan namin ang mga sekyu na ulam na nila yon kapag nahuli nila. ayun, litsong manok ang hapunan nila!

itong mga little kengkays? kapag sobra ang pagkain namin ngayon dito sa alemanya? naghahanap ng sekyu, sayang daw kasi kung itatapon lang. e para namang tira-tira lang ang para sa mga sekyu ano? hindi naman po, kasi alam nila na kadalasan ay hirap sa buhay ang mga sekyu. nakikita kasi nila yung mga anak ng mga sekyu, na nireregaluhan din nila ng mga laruan. atsaka naririnig nila ang mga kwentuhan, lalo pa nung dating nakatira kami sa pinas kung saan ang tinatambayan nilang bahay ay malapit sa guard house.

alam nila na delikado ang maging sekyu (may mga oras kasi na may nakawan, at ayawan at sekyu ang nangunguna)…pero bilib din sila kasi matatapang daw ang mga sekyu. sa totoo lang, binalak pa nga ng isang little kengkay na balang araw ay sekyu daw ang mapapangasawa nya.

san ba pupunta itong kwento ko? wala lang. baka sakaling may sekyu na magbigay pugay sa inyo, batiin nyo naman. tinulungan kayo? pasalamatan. at kapag tunay na magaling sa kanyang trabaho, reward!!!

Advertisements

2 mga puna »

  1. mareng kengks, kapag sinuswerte ako at napapadpad sa ibang bansa — alemanya, sweden, japan, thailand — isa sa palaging napapansin ko (maliban sa hindi mahilig bumusina ang mga drivers sa mga bansang ito) ay ang kawalan ng mga armadong sekyu sa mga establisimiyento. sa Pinas lang ba uso ang holdapan at hindi nila kailangan ng mga security guards? 🙂

    Komento ni ben gorilya — Setyembre 1, 2012 @ 5:12 umaga | Sagutin

    • isep-isep… hmmm, alam mo kung bakit wala? kasi hindi mo napapansin, hehe, may mga private security ang mga department stores pero they dont act like security guards, sila ay secret agents ang dating. kapag may nakita lang silang loko, atsaka sila magiging sekyu, sugod agad sila. pero yung mga armored cars? wala ding sekyu, pero mga trained ang mga yan. atsaka ang mga pulis kasi all over naman. at ang mga establishments merong sariling security system sakaling may mga ganyang holdapan at nakawan. atsaka dito kasi mabilis ang takbo ng hustisya…uny nga lang, sad to say, dahil nawala ang control sa mga borders, may mga galing sa mahihirap na bansa na naglalaganap ng krimen 😦

      Komento ni kengkay — Setyembre 1, 2012 @ 10:33 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: