Kwentong Kengkay

Enero 11, 2013

Tuna Pandesal ala Kengkay

Filed under: Kwentong Kengkay — kengkay @ 8:09 hapon
Tags: , , , ,
tuna pandesal

tuna pandesal

Pagkain na naman ang post ko, sobrang miss ko kasi lalo ang pagkaing Pinoy kapag may okasyon. Lalo pa at katatapos lang ng Pasko at Bagong Taon!

Pero itong tuna pandesal ala kengkay, ginawa ko yan nung mga nakaraang buwan pa. Sobrang namiss ko na ang pandesal e kaya pagbigyan ang tiyan.

Ang recipe kong ginamit ay yung tamad recipe, kasi gamit ko ay bread machine. Eto ang link sa recipe.

Edi ayun na nga, ready na lahat ng ingredients. Sinakay ko na sila sa bread machine. Umandar na sya – rawar, rawar, rawar — ganyan ang tunog muna kasi mixing muna. Tapos naging busy si kengkay. Gawa duon, gawa dito (kunyari lang, kasi sa totoo lang, mukhang naka FB yata ako nung mga oras na yan, hehehe).

Bumalik ako para tingnan yung pandesal, hmm, kasi naamoy ko na sya. Sarap!

Ng biglang, eeekkkk – nalimutan kong lagyan ng pinakahuling ingredient, ang oil!!! Naku po. Ano ang aking gagawin?

Napapikit na lang si kengkay at nagdasal na sana, sana, pwede pa ring kainin!

Pero siyempre, ayaw ko namang itapon ang pandesal di ba? Kaya naman, nagisip- isep, isep.

Gagawan ko sya ng palaman para pwede pa ring kainin. Ang nakita ko sa aking mismong harapan ay ang tuna. Pwede na yan. Tapos may nakita akong cream cheese. Aba, pwedeng-pwede rin yan. Game!

Ingredients for Kengkay’s Tuna Pandesal:
isang maliit na lata ng tuna (paki-alis ang sabaw)
dalawang kutsara ng cream cheese
konting paminta
at siyempre, yung pandesal dough

Preparation:
Mix all ingredients, place in a container and freeze.
(Actually, ginaya ko lang yung siopao recipe na asa cookbook, para hindi masabaw ba)
Kapag natapos na ang mixing dun sa bread machine, instead of continuing as per the pandesal recipe — ganito muna: create your pandesal balls, tapos pull them into a square and place a teaspoon of the tuna mix and make sure you lock them up. Ang ginawa ko, I pinched the ends like an empanada.

Kapag natapos nyo na lahat, follow the next procedure dun sa pandesal recipe. meaning, sunod na yung pagroll ng tuna pandesal ninyo sa bread crumbs at let them rise inside a warm oven for around 15 minutes, etc. etc. etc…

sa totoo lang, kahit na i started wrong, natapos naman syang masarap!! try it!

Advertisements

4 mga puna »

  1. pwede!

    Komento ni potsquared — Enero 14, 2013 @ 11:45 umaga | Sagutin

  2. Wow, sarap naman yan. nagutom tulou ako.. Penge ako. Malunggay Pandesal kinakain ko. Namnamnam. Sarap!

    Komento ni Reyn — Enero 15, 2013 @ 4:50 umaga | Sagutin

  3. Ayos – ang galing ng Kengkay. Mula ngayon ihuhuli ko ng basahin ang blog me – dahil ginugotom mo ako palagi 🙂

    Komento ni rommel — Enero 19, 2013 @ 7:14 hapon | Sagutin

  4. Sarap naman nyan mami! Hagis mo naman yung iba dito! ❤

    http://thejoyceish.blogspot.com/

    Komento ni joycee — Enero 23, 2013 @ 10:43 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: