Kwentong Kengkay

Enero 25, 2013

Magnum Ice Cream

Filed under: Kwentong Kengkay — kengkay @ 11:43 umaga
Tags:

anong gulat ko nung bigla na lang naglabasan ang tungkol sa magnum ice cream sa pinas. endorsed by celebrities pa talaga. big time!

e mantalang dito sa alemanya, normal na ang magnum. parati pang may special discount yan sa mga grocery stores. kunyari daw ako, hindi po normal dito ang magnum, espesyal din yan. pramis!

kinikilig pa rin ako everytime na kakain ako ng magnum. parang crush ba, kapag nakikita mo, kilig to the bones. ang sarap naman talaga nya. tapos bumibili lang ako kapag naka sale, ang mahal yata nyan ano.

Image

mabuti na lang, sa
kapitbahay na barangay namin, andun yung kanyang pabrika. ayun, presyong pabrika din siyempre. ang bilihan dun ng magnum, karton-karton. ibat ibang flavors. ibat ibang pangtulo ng laway. pero ang paborito ko, my one and only crush kung baga, ay ang magnum almond. kahit anong pang introduce nila ng ibang flavors, hindi ako magkainteres na tikman sila, kasi my eyes are only for magnum, ganun!

Imageice

ang mga little kengkays, lahat titikman, sa kanila ako nakikitikim. konti-konti. solid ako kasi sa magnum almond e.

kayo, anong flavor ng magnum ang paborito ninyo? at bakit daw ang lamig lamig dito sa alemanya ay ice cream ang asa utak ko? e kasi parang halo-halo ang snow ano, parang nakikita ko ang chowking, hahaha — sosyal talaga ng taste ko!!
IMG_0061

Advertisements

9 mga puna »

  1. Gusto ni froggy ‘yong infinity o ‘yong 60%selected cocoa… ^_^
    …-ang lamig nakakakilig. 🙂

    Komento ni CrazyFrog — Enero 25, 2013 @ 12:32 hapon | Sagutin

  2. masarap sya pero sa atin ay over-hyped sya 🙂 i love pinipig crunch 🙂

    Komento ni nina — Enero 25, 2013 @ 1:18 hapon | Sagutin

  3. samin dito sa Bahreyn parang ala pa. curious din ako e. o bka kelangan kong maggrocery hopping to search hehehe 🙂

    Komento ni leandra — Enero 26, 2013 @ 4:26 umaga | Sagutin

  4. two -three times pa lang ako nakakain nyan kasi ang mahal para sa akin. hahaha pero masarap naman siya. ako dun ata sa classic saka dyan sa almond. mas tama lang yung tamis.

    Komento ni hoshi — Enero 29, 2013 @ 1:46 hapon | Sagutin

  5. parang ang sarap niyan ah..

    Komento ni potsquared — Enero 29, 2013 @ 10:27 hapon | Sagutin

  6. jejeje. .everyday ako nyan kumakain. . . maganda yan kapag i melt m lang sa luob nya . . npakasarap. . .

    Komento ni lawrence — Pebrero 1, 2013 @ 10:56 umaga | Sagutin

  7. ako?? di pa ko nakakatikim ng magnunm… pramis 🙂

    Komento ni bagotilyo — Pebrero 11, 2013 @ 12:07 hapon | Sagutin

  8. lagi kong binabalak na tikman yan pero hanggang ngayon, olats pa din 😦

    Komento ni ben gorilya — Pebrero 14, 2013 @ 9:24 umaga | Sagutin

  9. May sagot sa tanong mo sa isang commercial. Sabi ng lola sa apo “ang lamig na nag-i-ice-cream pa”, sagot ng apo “eh lola bakit pag mainit nag-kakape ka” 🙂

    Komento ni Rommel — Pebrero 16, 2013 @ 7:48 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: