Kwentong Kengkay

Oktubre 3, 2013

Ayala Tayo sa Biyernes: Against Pork

1382116_10151895753616052_1066495716_n

TATLONG SIGAW SA AYALA BUKAS

Heto lamang po ang mga isisigaw ng Million People March sa Ayala bukas. Walang dagdag, walang bawas. Tinagalog lang para mas ma-gets ng karamihan.

1. ALISIN ANG LAHAT NG PORK BARREL. Pork barrel po ay pondo na “lump sum” o walang detalye at “subject to discretion” o puwedeng pakialaman at ipamudmod ng mga pulitiko. Meron nito ang presidente, mga senador, kongresista, gobernador, mayor, etcetera, hanggang barangay at SK officials. Nagsisilbing tukso ito sa kanila. Ginagamit nila ito para may utang na loob sa kanila ang tao.

2. TUUSIN ANG LAHAT NG PORK BARREL NA NAILABAS NA. Dapat mag-accounting ang lahat — mula presidente hanggang SK. Sino ang nagbigay ng pondo? Sino ang tumanggap ng pondo? Para saan ang pondo? Saan ginamit ito? Totoo ba o peke ang proyekto? Kailangan ba talaga ang proyekto? Tama ba ang presyo ng proyekto? Sino-sino ang nakinabang dito?

At 3. PARUSAHAN LAHAT NG NAGLUSTAY NG PONDO. Dapat kasuhan at ikulong ang sinuman — opisyal man o private citizen — na mapapatunayang naglustay ng pork barrel. Para hindi na umulit pa. Para hindi na gayahin pa.

WALA NA PO KAMING IBANG ISISIGAW.

Pero kinikilala namin ang karapatan ng bawat isa na magpahayag ng kanilang sariling damdamin. Ganun naman po kasi ang demokrasya. May kalayaan ang lahat na magsabi kung ano ang kanilang saloobin.

Pero para sa Million People March…

Hindi po kami sisigaw ng impeachment.

Hindi rin po kami sisigaw ng resign.

At lalong hindi po kami sisigaw ng rebolusyon.

Ang pag-aalis lamang sa sistema ng pork barrel ang tanging nais namin. Naniniwala po kami na kapag naalis ito, mawawalan ng gana ang mga ganid na maging pulitiko. Mawawala din ang tukso na sumisira sa mga matitinong Pilipino.

Kapag hindi natin naalis ang pork barrel, magiging corrupt lang ang kahit sinong ihalal natin sa puwesto.

KAYA TARA NA, MARTSA NA SA AYALA!

ito ay galing sa pader ni Junep.

Advertisements

2 mga puna »

  1. Nasa ayala ako nung Biiernes at saksi ako sa sigaw ng bayan. dapat na ngang mapalitan ng mas transparent na paraan ng pagtulong sa mga mamamayan.

    Komento ni hitokirihoshi — Oktubre 7, 2013 @ 10:17 umaga | Sagutin

  2. sana naman di mauwi sa wala ang mga ganyang pagsigaw ng katarugan ng buong bayan.

    Komento ni ELIment — Oktubre 28, 2013 @ 11:52 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: