Kwentong Kengkay

Nobyembre 6, 2013

Ang Pinoy at ang Kanyang Payong

Filed under: Kwentong Kengkay — kengkay @ 12:03 hapon
Tags: ,

Nuong maliit pa kami, ang panakot sa amin ng mga nakatatanda sa amin ay si Tandang Payong na nakatira sa kabilang kalye kung saan kami ay bawal tumawid. Ang sabi nila, si Tandang Payong ay isang matandang babae na parating may bitbit na payong na ipapasungkit sa aming mga bata kapag nahuli nya kaming tumatawid na mag-isa sa kalye.
Siyempre, sa takot namin na masungkit ni Tandang Payong, talaga naming hindi kami tumatawid sa kalye na iyon kapag wala kaming kasamang nakakatanda sa amin.

Ang isa pang panakot ng mga matatanda sa aming mga bata ay ang mga Bombay. Sabi nila, kapag makulit daw kaming mga bata kapag kami ay naglalaro sa kalye, kukunin daw kami ng mga Bombay. Edi ba ang mga Bombay dati kilalang-kilala na nagbebenta ng payong na ang bayad ay sinisingil nila nang lingo-linggo? Tapos kapag suki ka nila, kapag Pasko payong din ang regalo nila? At isa pang dahilan na katatakutan sila ay dahil nga nagbebenta sila ng paying at parati silang may bitbit na payong. Kaya takot lang talaga namin sa mga Bombay.

Ewan ko ba, dahil yata kay Tandang Payong na yan at sa mga Bombay kaya tuloy nawalan ako ng ganang gumamit ng payong. Kahit na alam kong may bagyo, hindi ako nagdadala ng payong.

Read more.

Advertisements

Mag-iwan ng Puna »

Walang puna.

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: