Kwentong Kengkay

Enero 17, 2014

Uso pa ba ang New Year’s resolution?

Filed under: Kwentong Kengkay — kengkay @ 8:22 umaga
Tags: , ,

Naalala ko nung bata pa ako, asa elementary yata ako nung naki-sali ako sa mga New Year’s resolution na yan. Kasi naman itong mga pinsan kong nakakatanda sa akin, talaga naming pinag-uusapan nila yan. Pinaghahandaan at pinag-iisipang mabuti. Hindi pa tapos ang taon, may lista na sila.

Ang mga drama nila ganito: Patingin nga ng listahan mo, pakopya nga ng New Year’s resolution mo, dagdagan mo pa ng ganito o kaya naman alisin mo na yan. Seryosohan talaga. E ako naman, ang gusto ko lang na New Year’s resolution ay madagdagan ang aking height, ano!

Tinutukso nila ako kasi hindi daw kasali yun sa resolution pero mayron daw paraan para mangyari ang aking wish list iyon bago pumasok ang bagong taon. Sabi nila tumalon daw ako sabay ng pagpasok ng bagong taon. Siyempre naman, ginawa ko din yon. Talaga naming tumalon ako ng pasimple kapag bagong taon. Kakahiya naman kapag nalaman ng mga tao na tumatalon ako kasi gusto kong tumangkad, ano. Ewan ko kung may nakapansin nun, hehehe. At iyong nakakatawang aksyon na iyon ay kasabay ng paglilista ko ng aking New Year’s resolutions.

Eh ano nga ba ang New Year’s resolution? Wish list ba iyon o promises to do better o nakikisabay lang sa fad? Depende siguro iyon sa pansariling paningin. O depende rin siguro sa iyong listahan. O depende na rin sa iyong mood. Ah basta, nung dating usong-uso ang New Year’s resolution, ang mga nangunguna sa listahan ay ang mga sumusunod: exercise more, diet or eat healthy, save money, stop smoking, drink less, travel to new places, at isama na dyan ang spend more time with family at spend less time in front of the television/in the mall, etc.

Siyempre hindi pa uso noon ang mga electronic items at kasama na dyan ang internet at social media. Sigurado ko kung uso pa ngayon ang New Year’s resolution ay may dagdag na dyan na spend less time using my e-gears and spend less time in social media.

Read more here.

Advertisements

2 mga puna »

  1. happy new year po!!.. kamusta na po?

    Komento ni LimeGemini — Enero 18, 2014 @ 2:42 hapon | Sagutin

  2. kaya ako, mareng kengks, pagdating sa resolutions… the simpler, the better 🙂

    Komento ni ben gorilya — Enero 20, 2014 @ 2:30 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: