Kwentong Kengkay

Si Kengkay

clubshop.com

Pinay na nakatira malayo sa Pinas. Matagal na. Dahil sa trabaho e nakaikot sa Thailand. Dun nakatisod ng puti. Nilipad ng puso patungong Europa. Naging ulirang asawa, sineryoso ang pagiging ina. Subsob sa pagiging taong bahay, nalimutan na may ibang mundo pa pala. Ngayon, parang may gustong kumawala at magwala.

Si Kengkay. Ang dating ako. Pasulpot-sulpot kasi ako pa rin sya. Konti na nga lang. O kaya, depende sa kasama at kausap at sa takbo ng utak. Ang manunulat, ang glamorosang-pilit sa PR, makulit na kaibigan, ang masunuring anak, ang okay na ate, ang nakakatuwang pinsan, ang game na ka-opisina, ang paboritong balae (kasi ako lang e), ang paboritong tita lalo’t pag may pasalubong. Isang mahinhing haliparot. Mahilig kumandirit. Masaya kapag nakikibakla. Magulong makulay ang paligid ko. At miss ko ang Pinas. At ayokong mawala ang simoy ng ating wika sa bibig ko. Kaya eto, wala lang…

Advertisements

88 mga puna »

  1. hehehe! hagikhik ako sa ABOUT mo! mabote naman natisod ka sa palasyo ko hahaha

    Komento ni reyna elena — Agosto 10, 2007 @ 9:17 hapon | Sagutin

  2. Isang mahinhing haliparot….hahahhaha

    love your blog…:D

    Komento ni malen — Agosto 16, 2007 @ 3:06 hapon | Sagutin

  3. Keng, sobrang galeng ng blog na ‘to! Dadalawin ko ‘tong madalas para managalog. Nagkakanda-buhol-buhol na dila ko sa kaka-Ingles. Ikaw pa kaya? May pa-Deutsch-Deutsch pa! Bilib din ako at napaikot-ikot mo itong WordPress. Madali lang ba? Papaturo ako sa ‘yo minsan.

    Komento ni MegaMom — Agosto 16, 2007 @ 3:49 hapon | Sagutin

  4. reyna elena — minsan masarap din matisod, di ba πŸ™‚

    malen — nalito ka ba? tenks ha. will love your blog too!

    megamom — kaya nga biglang tagalog na lang e. sawa na kong mag inglis at mag deutsch. naks, kung akala mong tech savvy ako, kunyari lang yon. nangangapa rin ako. pero malakas lang loob ko at desperada, haha. sige, magturuan tayong dalawa.

    Komento ni kengkay — Agosto 16, 2007 @ 7:52 hapon | Sagutin

  5. dumadaan lang po. πŸ™‚ i love your about page.

    kengkay: sige, ingat ka sa daraanan πŸ™‚

    Komento ni pao — Agosto 22, 2007 @ 2:34 hapon | Sagutin

  6. hello! nangangapitbahay lang po πŸ˜€

    Kengkay: mi casa tu casa πŸ˜€

    Komento ni Banana — Agosto 26, 2007 @ 1:02 hapon | Sagutin

  7. Hahaha! Napahagikgik din ako dito!

    Kengkay: pinagisipan kong mabuti yan, hehe

    Komento ni mitchteryosa — Setyembre 1, 2007 @ 1:48 hapon | Sagutin

  8. Hi kengkay. Tulad nila, napadaan lang din ako hehehe. Hello sa ‘yo at sa kanilang lahat. Mabuhay!

    Kengkay: hello din sa yo. libre naman daan e. thanks sa links!

    Komento ni dYu — Setyembre 1, 2007 @ 2:01 hapon | Sagutin

  9. Hey Kengks! Salamat sa pagdalaw sa blog ko… “Mahinhing haliparot” pala! I like! Link kita ha? Sige na… πŸ˜€

    Kengkay: na-link na rin kita πŸ™‚

    Komento ni Jovi — Setyembre 2, 2007 @ 11:11 hapon | Sagutin

  10. I’m glad to have met you, Ate Kengks! Be seeing you soon! Feb 2008! mwah mwah mwah! Sarap tlaga ng me ate!

    Kengkay: glad to meet you too, tintin. lapit na kitakitaan natin πŸ˜€

    Komento ni Tintinsendy — Setyembre 8, 2007 @ 5:53 umaga | Sagutin

  11. pao was here. πŸ™‚

    kengkay: stay, hehe

    Komento ni pao — Setyembre 10, 2007 @ 4:45 hapon | Sagutin

  12. Hello! Add kita sa link ko ha? tenkyu!

    Kengkay: welcome, na add na rin kita

    Komento ni kiko773 — Setyembre 13, 2007 @ 7:55 umaga | Sagutin

  13. I fondly call her Ate Kengks. Kasi para siang isang mabait at palatawang nilalang. Naaliw kasi ako nung unang nag usap kami sa YM. Parang di makabasag pinggan ang dating kasi. Pero nalaman laman ko, kengkay nga talaga, funny but with sense. Teka, wala ka pa sa links ko nga pala. Sa susunod na pagbisita mo andun ka na. Isa, dalawa, lotat! Hayan andun na! magic hehe. Ate kengks hope to meet you soon.

    Mach’s gut aß immer Kengks. Hoffnung, dich bald zu treffen. Gott segnen.

    pinoyambisyoso.com

    Kengkay: huy, tenks naman lav-i-duvi. nag blush naman ako sa compliment mo, compliment yan di ba? am sure magkikita tayo, kung di man dyan sa islang pinas e dito sa Oy-ro-pa. machs gut, auch. mein lieber pinoyambisyoso πŸ˜€

    Komento ni Lavern — Setyembre 17, 2007 @ 11:39 umaga | Sagutin

  14. aha..ganun pala ang history mo πŸ˜€

    wala lang nakibasa lang din…napagpasyahan ko ng i-link ka..balik ulit ako sa ibang araw.

    Kengkay: hi gasti, maganda yang napag-pasyahan mo πŸ˜€ sige, balik ka. minsan bisitahin din kita.

    Komento ni gasti — Setyembre 18, 2007 @ 7:38 umaga | Sagutin

  15. naman kasi , iayn tuloy! πŸ™‚
    Kengkay: tuloy tuloy talaga, hehe

    Komento ni jerishoots — Oktubre 1, 2007 @ 6:53 umaga | Sagutin

  16. Kengkay, papatulong na ko sa ‘yo! Please e-mail me privately. Di ako maka-sagot sa comment mo sa blog ko, lentek na yahoo 360 yan! πŸ™‚ Thanks!
    kengkay: so, sige na, sali ka na sa WP, hehe

    Komento ni MegaMom — Oktubre 8, 2007 @ 6:05 umaga | Sagutin

  17. Kengkay, ako naman si Jeansois (jinswa). congrats sa blag mo ha. salamat, kasi malaking tulong ‘to eh. ang hirap nang hindi nananagalog. mag isa lang ako dito no…. meron din akong mga kaibigan na pinay kaso lang wala pa akong kasundo, as in, kapareho ko kahit 70% man lang. ngek. o sige…… babalikan ko na lang ito pag may oras ako…. kapag tinamad na naman akong mag-ayos ng bahay. kakaasar……. hindi mo ba na mi-miss ang maid.

    jinswa
    kengkay: hehe, sige, tagalugan tayong dalawa. kaya ko talaga ginawa tong blag na to dahil gusto ko magtagalog. hayyy, meron akong maid dito; stay in pa, asawa ko, hehee

    Komento ni Jeannie Hizon — Oktubre 13, 2007 @ 4:27 hapon | Sagutin

  18. thanks po sa comment mam! =) … slmt dn sa pag welcam nyu sa akin! WPP rocks!

    ;D
    kengkay: welkam, webslave… WPP rocks indeed!

    Komento ni webslave — Nobyembre 3, 2007 @ 6:15 umaga | Sagutin

  19. kudos to you kengkay! lolrofl πŸ™‚
    kengkay: tenks ha, kudos din sa yo πŸ˜€

    Komento ni F1NCH — Nobyembre 9, 2007 @ 10:49 umaga | Sagutin

  20. ganda ganda naman ng blog! i lavit! πŸ˜‰
    kengkay: henk yu ha πŸ˜€

    Komento ni mschief — Nobyembre 10, 2007 @ 10:28 hapon | Sagutin

  21. now I see kumbakit tisay ang mga anak mo! πŸ™‚
    hi kengks …nagpaparamdam lang miski tapos na undas. pasensya ka na sa avatar ko ha? for 3-days lang sana yan — pagimik ko, pero hindi ko na maibalik ang dating pagmumukha ko. pramis paltan ko rin agad yan. siguro ng isang bagay na araw-araw mong makikita miski hindi ka sumilip sa blog mo.
    interesting mga istorya mo. prati ako pasyal dito maski hindi nagkukumento πŸ˜‰
    kengkay: hi der pader… nagpupunta ako sa blog mo kaya lang minsan di ko makita yung button nung comments mo e kaya pipi lang ako dun. mas pogi nga avatar mo ngayon e, ahahah. nagkagulo mga anak ko kasi biglang gustong magka ron kami ng hamster, waahhhh. aba kung sila mag-alaga okay lang sa akin, hehe

    Komento ni homebodyhubby — Nobyembre 11, 2007 @ 3:29 umaga | Sagutin

  22. Hi Raq, now I just discovered that you are KK. hehehe. I have your Homeworked link in my list but this wordpress link wala pa..hope you won’t mind adding you. (i mean this blog)

    Thanks for the welcome at WPP community, parang agad ko na feel at home to receive that reply. hehehehe

    Nice blog here huh1 tagalog pa…congrats!

    happy writing!
    kengkay: hi… very much welcome. pero watch out kasi may KK din sa PMN moms natin πŸ˜€ enjoy talaga sa WPP, di ba?

    Komento ni sunshineforlife — Nobyembre 11, 2007 @ 10:48 umaga | Sagutin

  23. hi kengkay..

    just dropping by to say hi..nice blog! nakitsismis..

    cheers!
    annie
    kengkay: ako mas nauna maki chismis sa yo, e… congrats ha

    Komento ni annie8886 — Nobyembre 12, 2007 @ 4:21 umaga | Sagutin

  24. Hi Kengkay,
    ok blog mo kakatuwa, pde ba kita i-add sa links ko?

    tenks.
    sali din ako sa wordpress pinoys.
    kengkay: salamat, pero di kita mabisita kasi di ko alam yung URL mo e πŸ™‚ asa WPP ka na ba?

    Komento ni kapestehan — Nobyembre 17, 2007 @ 2:26 hapon | Sagutin

  25. hi miss kengkay, sarap naman magbasa dito, ang saya! add na kita fellow gemini para naman mabasa ka namin dito sa qatar. salamat din sa pagbisita at nakakataba ng puso (good fat naman) ang inyong naging komento. gandang araw ulit. πŸ˜‰
    kengkay: mabuti kamo e good fat ang good comments ano, heheeh

    Komento ni charleskorner — Nobyembre 18, 2007 @ 1:03 hapon | Sagutin

  26. nahilo ako sa pagbasa nito. di ko nakuha yung iba.

    tenk yu nga pala sa pagbisita mo sa blag ko. kakatuwa ang blag mo, tambay na din ako dito.

    lagay kita sa blagrol ko ha. πŸ™‚
    kengkay: alin di mo nakuha, tanong ka lang at i eksplain ko sa yo πŸ˜€ tenks ha, sempre bibisitahin ko rin ulit ang blog mo…

    Komento ni angelbert — Nobyembre 20, 2007 @ 5:20 umaga | Sagutin

  27. kengaky>> eto pala url ko: http://librendt.wordpress.com
    bago lng ako dito eh hehe. nag join nko sa wpp pero parang di gumana, try ko ulet. thanks.
    kengkay: uy, mabuti naman at bumalik ka. sige, bisitahin kita agad. at tingnan ko rin sa forum kung andun ka na. welkam da rin πŸ˜€

    Komento ni kapestehan — Nobyembre 20, 2007 @ 10:21 umaga | Sagutin

  28. hehe..ayos tong about page mo ah.. ..
    add kita sa link ko.. http://www.ofwlayf.com OKies..

    kaso di ko alam kung anong country ang ilalalgay ko.. 😦

    sige.. categorize ko nal nag blog mo under Europe :))
    kengkay: pwede na yun, basta tama ispelling, ahaha…

    Komento ni lestat — Nobyembre 25, 2007 @ 2:53 hapon | Sagutin

  29. “…nalimutan na may ibang mundo pa pala. Ngayon, parang may gustong kumawala at magwala…”

    hi ate kengkay,

    mag po-4 years pa lang ako dito pero minsan di ako natutuwa kasi namimiss ko barkada at pamilya sa pinas at ung lagi kaming humahagisgis sa kakatawa. buti na lang naimbento blogging, at least may outlet kahit papaano. like ur blog! πŸ˜€ sa may nrw nga pala ako. magkalayo kaya tayo super? o malapit lang?
    kengkay: naka relate ka ba sa akin, hehe… tama ka, buti ma blog kundi nabaliw na talaga ako. mukhang malayo tayo kasi dito ako sa may HD e

    Komento ni eyna — Disyembre 7, 2007 @ 9:52 umaga | Sagutin

  30. nakakaiyak naman ang AKO page mo kengkay… parang pang Maalaala Mo Kaya
    kengkay: eto tisyu πŸ˜€

    Komento ni jessie — Disyembre 16, 2007 @ 2:29 umaga | Sagutin

  31. ah yun pala yun. Kaya pala.. now i understand.. πŸ˜€
    kengkay: ahahaha, nalito ka ba

    Komento ni YouAreYou — Disyembre 26, 2007 @ 12:50 umaga | Sagutin

  32. hi ayus ang deskripsyon mo hehehe.. salamats sana maidagdag mo ako sa iyong listahan
    dhelyo.blogspot.com

    manigong bagong taon
    kengkay: madali akong kausapin πŸ˜€

    Komento ni dhelyo — Enero 1, 2008 @ 6:05 hapon | Sagutin

  33. Thanks sa comment din sa blog ko… pa add naman πŸ™‚
    kengkay: ang bilis mo naman bumalik, ayan na, na add ko na lahat

    Komento ni David D'Angelo — Pebrero 8, 2008 @ 3:47 hapon | Sagutin

  34. kenkay nga – ang galing – nakikiraan lang po πŸ™‚
    kengkay: hi rommel, mabuti naman at napadaan ka !

    Komento ni rommel — Pebrero 8, 2008 @ 7:31 hapon | Sagutin

  35. πŸ™‚

    Komento ni bibomedia.com — Marso 7, 2008 @ 8:04 umaga | Sagutin

  36. ang linis ng blog mo ate, xlink naman dyan…

    kengkay: linked!

    Komento ni kulot — Marso 11, 2008 @ 4:50 umaga | Sagutin

  37. ate paedit po yung link ko sa blogroll mo, di po nagana e, “u” po dapat… thanks

    kengkay: oops, thanks, done!

    Komento ni kulot — Abril 10, 2008 @ 7:02 umaga | Sagutin

  38. hi ngayon ko lang na bisita ang iyong blog. pede mo ba ako isama sa blogroll mo? and viseversa… thanks wag ka mag sasawa sa kabibisita ko dito sa blog mo ha…

    regards

    kengkay: asan na yung URL mo? hindi ko makita e kaya di kita ma add at salamat din sa pagbisita sa blog ko πŸ˜€

    Komento ni barquera — Abril 15, 2008 @ 8:08 umaga | Sagutin

  39. SPAM!

    kengkay: πŸ˜€

    Komento ni Solid Liquid Gas Plasma Matter — Abril 16, 2008 @ 1:26 umaga | Sagutin

  40. hi uu nga pala di ko nailagay …
    http://barquera.wordpress.com/
    thanks

    kengkay: ayan, linked na

    Komento ni barquera — Abril 17, 2008 @ 3:58 umaga | Sagutin

  41. thanks !!!

    Komento ni barquera — Abril 17, 2008 @ 5:40 umaga | Sagutin

  42. hahahaha! ate ang lupit m0 naman! tsk tsk, iba talaga mga pin0y, kahit saan dalhin asteeg pa rin! hehe. laglag na panga ko sa kakatawa, ayoko na

    nice blog! ^_^ lupit!

    kengkay: tenks, ehem πŸ˜€

    Komento ni madcow23 — Abril 21, 2008 @ 5:33 hapon | Sagutin

  43. ay ate mali pla nlagay ko na site hehe. pkipalitan na lang sa link eto, http://teamvividdigitalvideo.wordpress.com/
    thanks po!

    kengkay: oks na!

    Komento ni madcow23 — Abril 22, 2008 @ 6:06 umaga | Sagutin

  44. salamat po! nakakahiya naman dalawa ung nakalagay sa links, hehehe. yaan m te view kita kada online ko pandagdag mo n rin sa rating. hehehehe!

    God Bless!

    kengkay: wak ka na ma shy, oks lang πŸ˜€

    Komento ni madcow23 — Abril 22, 2008 @ 12:23 hapon | Sagutin

  45. Hi,

    I’m Elmer and I work at pacificadvance.com, a company interested in blog advertizing. I found your blog kengkay.wordpress.com engaging and I’m contacting you to ask if you are interested in blog post sponsorship.

    If you are interested, kindly mail back (elmer@pacificadvance.com) and I’ll send you pricing details, guidelines and processes. Looking forward to doing business with you.

    Sincerely,

    Elmer
    Pacificadvance.com

    Komento ni Elmer Caballero — Mayo 20, 2008 @ 10:02 hapon | Sagutin

  46. So sya yung commuter sa bus… hmmm…

    kengkay: kahit asan ako commuter pa rin ako sa bus πŸ˜€

    Komento ni Richmond — Mayo 26, 2008 @ 6:13 umaga | Sagutin

  47. helowee..
    pede ba ok lng na ilagay mo ako sa mga blogroll mo??
    baguhan lng ako eh nd gs2 ko din mksali
    thX..

    kengkay: done πŸ˜€

    Komento ni yavinfour — Mayo 31, 2008 @ 5:54 umaga | Sagutin

  48. ate Kengkay, may correction lang ako about sa link ko sa blogroll mo. anjelo.wordpress.com xia at ndi anjelo.bravehost.com
    ayun lang phfoe
    tHx…

    kengkay: oks na πŸ˜€

    Komento ni yavinfour — Hunyo 1, 2008 @ 5:17 hapon | Sagutin

  49. nice “about me” page. i like the honesty and the sincerity.

    kengkay: salamat

    Komento ni lexbonife — Hunyo 6, 2008 @ 3:27 hapon | Sagutin

  50. happy birthday! be assured of my prayers for you this day. God bless!

    kengkay: salamat!

    Komento ni brotherutoy — Hunyo 8, 2008 @ 11:02 hapon | Sagutin

  51. “isang mahinhing haliparot.”

    ganyan din ako!

    hahaha…:D

    Komento ni ayyzzz — Hunyo 29, 2008 @ 7:29 umaga | Sagutin

  52. […] mababasa nyo nung sa aking AKO page e medyo iba yata ang dahilan ko kung bakit ako nagblog ng tagalog ang gamit. Eh kasi nga gusto […]

    Pasa ni si kengkay e influential blogger? « Kwentong Kengkay — Hulyo 7, 2008 @ 4:17 hapon | Sagutin

  53. hi kengkay pede ba me makigulo dito? ilagay ko ung link mo sa blogroll ko para makikulitan lang po. hehe.thanks

    kengkay: done, kakulitan ka na rin, hehe

    Komento ni gmacomics — Agosto 5, 2008 @ 10:19 umaga | Sagutin

  54. ms. kengkay,

    salamat sa pagbisita mo sa blog ko. pwede bang sumilip silip dito paminsan minsan? lagyan mo ng email subscription form para kung merong gustong makabasa ng updates mo malalaman nila sa email nila. punta ka lang sa feedburner merong script dun.

    Komento ni adoborepublic — Agosto 7, 2008 @ 12:02 umaga | Sagutin

  55. padaan lang po sa blog mo. hangkulit!

    malamang magiging regular na ang pagbisita ko. πŸ˜€

    Komento ni mayui — Agosto 23, 2008 @ 8:54 hapon | Sagutin

  56. hello..padagdag naman po sa mga kakulitan mo…

    ..bago lang po kc ako d2 sa blogger world…

    Komento ni mayyang — Setyembre 10, 2008 @ 6:16 umaga | Sagutin

  57. Alow Kenk’s! Hehehe! Kuletz ng About You mo πŸ˜›

    Komento ni timi — Setyembre 21, 2008 @ 11:36 umaga | Sagutin

  58. good to know about you momi kengkay.
    hehe. just kidding.
    : ]

    Komento ni pepe21 — Oktubre 6, 2008 @ 12:12 hapon | Sagutin

  59. Hello po ate, ni-link ko po kayo (=
    Take care!

    Komento ni cheesyskepticism — Oktubre 26, 2008 @ 12:33 umaga | Sagutin

  60. takot ako sa multo.. hehe
    pwede ba makipag xlinks???

    Komento ni don_ser — Oktubre 29, 2008 @ 12:57 hapon | Sagutin

  61. eto nga pala blog ko Parantar … e add na kita

    Komento ni don_ser — Oktubre 29, 2008 @ 12:58 hapon | Sagutin

  62. ay katuwa naman dito. ok lang bang ilink kita? nagtatanong lang po. ung iba kasi pagkalagay ko ng link nila sa blog ko, abah! nagalit ba naman.. bakit daw hindi ako nagpaalam.. oo nga naman diba? hehe. πŸ™‚

    -napadaan pero babalik rin.

    Komento ni Lei — Nobyembre 8, 2008 @ 4:33 hapon | Sagutin

  63. ate kengks, anu po nangyari sa wpp? heynks.. miss ko an ang forum πŸ™‚

    Komento ni joycee — Nobyembre 11, 2008 @ 6:47 hapon | Sagutin

  64. sorry kung OT, pero down ang WPP?!

    Komento ni Solid Liquid Gas Plasma Matter — Nobyembre 11, 2008 @ 7:30 hapon | Sagutin

  65. got a tag for you:

    http://joyceish.com/?p=444

    Komento ni joycee — Nobyembre 18, 2008 @ 8:35 hapon | Sagutin

  66. got a tag for you, Über miss ko na ang WPP 😦

    http://joyceish.com/?p=444

    Komento ni joycee — Nobyembre 18, 2008 @ 8:36 hapon | Sagutin

  67. nakiliti naman ang isip ko sa deskripsyon mo ng “mahinhing haliparot”

    parang isang karakter sa pelikula nasa kanya na ang lahat ay may hinahanap pa rin….

    Komento ni emanzky88.wordpress.com — Disyembre 13, 2008 @ 5:41 umaga | Sagutin

  68. hahaha ganda ng tagalog writing.

    Komento ni barrycyrus — Disyembre 13, 2008 @ 7:53 umaga | Sagutin

  69. napadaan at nakibasa dito sa iyong bahay !

    kengkay: asan ang bahay mo at mabisita rin πŸ˜€

    Komento ni kalaykay — Disyembre 15, 2008 @ 6:19 umaga | Sagutin

  70. Ei! sandi hir. πŸ™‚

    Komento ni sandijmartin — Disyembre 20, 2008 @ 11:25 umaga | Sagutin

  71. Kamusta naman buhay HALIPAROT at laging kumakandirit masaya ba talagang maging BAKLA??, ay! hindi ibig kong sabihon e masaya kapala pag nakikibakla ! woist ang DAYA mo naman e d ako naka connect samantalng naka link ka sakin tuloy “para akong baklang haliparot na kumakandirit dito…”

    ang saya talaga buhay blogger 3 buwan plng ata ako d2 e pero parang ang tagal ko na nag bloblog !

    CGE alam kong hindi pa dito ang tuldok sa pag tatype ko kaya hindi ako mag tutuldok !

    okey b yun?!?

    . (TULDOK)

    Komento ni Jex ~ Saah Paahk — Disyembre 27, 2008 @ 1:24 hapon | Sagutin

  72. hello po Kengkay…nakakatawa yung about mo, i wish ganun ako ka creative! Plug-in ko lang po, i added you sa link sa Pinoy Expats and OFW Blogs Aggregator site at http://thoughtsmoto.blogspot.com

    Pag may mga expats at pinoy OFW pa po na may blog, I am very much willing to add their site. Salamat po!

    kengkay: trying hard akong mag comment dun sa blog mo kaso mo hindi ko sya mahanap πŸ˜€ salamat sa pag add!

    Komento ni Kenjebz — Enero 10, 2009 @ 3:45 umaga | Sagutin

  73. ang saya talaga pag may asawang puti no? ako rin nakatisod ng magandang Espanyola at heto sa wakas may dalawa nang artistahing mga anak kahit ma mukhang boksingero ako. hehehe.

    sarap talaga sa Europa lalo na dito sa Girona, Catalonia, Spain. Diyan ba sa Germany, maganda ba?

    –kaz πŸ™‚

    kengkay: ganun, nakatisod ka rin, hehehe. dito sa baryo namin maganda kasi maliit lang sya, hindi magulo.

    Komento ni pinoyonlinenovels — Enero 18, 2009 @ 1:30 hapon | Sagutin

  74. mareng kengkay

    nakakatuwa naman ang press presentation mo….

    ika nga fresh and hot!colorful at (di sya) masyadong descriptive ha.

    good day sa iyo

    Komento ni blurosebluguy — Pebrero 18, 2009 @ 3:25 hapon | Sagutin

  75. sinusundan kita sa isa kong blog pero heto ako ngayon. may bagong blog. simula ulit. pero susundan pa rin kita.

    kengkay: iwan mo url mo para naman masundan din kita πŸ˜€

    Komento ni iamhoolihan — Pebrero 23, 2009 @ 6:56 umaga | Sagutin

  76. blog hop lng po..pa publish na rin kingkarot.blogpsot.com , salamat sana makatisud din ako ng puti πŸ˜€ more power!!

    Komento ni karot — Marso 25, 2009 @ 6:59 umaga | Sagutin

  77. panu bayan panu ba yan?

    wala pa akong blogspot

    hindi marunong mag blog

    inggit ako…
    isali neu naman ang batang ito.

    Komento ni NyEkMoL — Abril 11, 2009 @ 7:05 umaga | Sagutin

  78. hello Kengkay!

    I am quite sure your one of the admins in wordpresspinoys.freeforums.org

    I am quite interested in sponsoring the site to be hosted in premium and professional hosting and to make the forum more active. Please contact me.

    My e-mail address is attached in this comment. I am looking forward for your reply.

    Thanks.

    Komento ni PinoyEngineβ„’ — Abril 24, 2009 @ 12:24 hapon | Sagutin

  79. Hi Ms. Kengkay!

    Nakita ko site mo sa blog rolls ng ka-blogs ko at kaibigan ko. Pwede ba isama ko din sa blog ko?
    Dadalasan ko ang pagbisita sa site mo, aliw magbasa! Ikaw man ay welcome sa site ko.
    It will be a pleasure!

    Salamat!

    Komento ni docgelo — Mayo 2, 2009 @ 10:55 umaga | Sagutin

  80. ito ang unang beses ko na napadpad dito.. para humaba ang storya, basta nakita kita sa Dyosang si Reyns..

    nakakaaliw ang blog mo, lalo na itong about me page mo..

    Make or Break

    Komento ni pehpot — Hunyo 18, 2009 @ 1:09 umaga | Sagutin

  81. sa kahahanap ko ng imormasyon tungkol sa sakit ng anak ko, nahanap ko ang blog mo..

    Sana magkaroon tayo ng communication kasi gusto kong magkaroon ng idea kung paano ihandle ito/..

    Sana, mabasa mo ang message ko..

    eto ang email add ko..janicejasminferrer@yahoo.com..

    thx siz.. Godbless

    Komento ni janice — Hunyo 29, 2010 @ 12:22 umaga | Sagutin

  82. mahinhing haliparot!?! hehehe…

    kanina pa ako aliw na aliw sa pagbabasa ng mga entries mo.

    kakatuwa mga tirada mo a.

    pwede bang makipag-exchange links? para madalaw kita lagi.

    πŸ™‚
    binibining myla

    Komento ni bb. myla — Pebrero 11, 2011 @ 11:43 hapon | Sagutin

  83. hi there.. good blog, fascinating posts, nice layout, excellent content management. i appreciate this blog Si Kengkay Kwentong Kengkay. what plugins do you use for your blog. do you use wordpress or some thing else. i would want to know. i’ve a blog which doesn’t appear good at all and its a trouble to work with it. do you think you’re on facebook or twitter? i would like to get to know you and learn from you. Please reply.

    Komento ni Cruz Santana — Abril 27, 2011 @ 11:30 umaga | Sagutin

  84. Do you people have a twitter fan page for Si Kengkay Kwentong Kengkay? I looked for one on the internet but could not find it, I would really like to become your fan!

    Komento ni Heather Roach — Abril 27, 2011 @ 1:33 hapon | Sagutin

  85. hello, like ko po ito. maiksi at to the point… πŸ™‚

    Komento ni doon po sa amin — Hulyo 27, 2011 @ 2:05 hapon | Sagutin

  86. HI Kenkay

    Kumusta na? Si Kim ito… Pinadalhan kita na liham. Natanggao mo na ba ito? Mayroon akong gustong itanong sa iyo?

    Komento ni Akimbo Dianela — Hulyo 11, 2012 @ 11:03 hapon | Sagutin

  87. Hi mis kengkay, sa taytay po ba may mga bultuhan na mga sexy shorts , maong shorts which they called (pekpek shorts) na mura? Im planning to put up a online business din po kasi thanks

    Komento ni Yuki — Abril 23, 2014 @ 4:18 umaga | Sagutin

  88. Hi Kengkay! I’m just thinking if I can get your email address? My name is Alexandra Lee. 4th year Psychology student from Lyceum of the Philippines University Manila. Thesis ko kasi is about compulsive hoarding. I was thinking if you can be my respondent?

    Komento ni Alexandra Lee — Hunyo 18, 2014 @ 3:30 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: