Kwentong Kengkay

Oktubre 13, 2014

Yes, Steve Jobs, we can amuse kids without iPads

Filed under: Uncategorized — kengkay @ 4:54 umaga
Tags: , ,

Sino may sabing mas magaling na babysitter ang electronics gears? E kung si Steve Jobs nga mismo ay hindi naniniwala, si kengkay pa kaya?

This article was inspired by a recent story I saw online about Steve Jobs. Did  you know that Steve Jobs, the innovative former CEO of Apple, didn’t lets his kids use iPhones or iPads?

Read more here.

Advertisements

Pebrero 9, 2012

WARNING: ATM card-switching scheme

BSP nagbabala sa ‘ATM card-switching’ scheme

Nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko na mag-ingat sa pagwi-withdraw ng kanilang pera sa pamamagitan ng automated teller machine (ATM) dahil sa panibagong modus operandi ng ilang grupo na sangkot sa “ATM card-switching” scheme.

Ang pahayag ng BSP ay matapos ang mga report na may mga kawatan na ganito ang istilo.

Sa ATM card-switching scheme, ang suspek umano ay lalapit sa tunay na ATM card owner.

Matapos umanong makumpleto ng biktima ang kanyang ATM transaction ay sasabihin naman ng suspek na may naistak o naiwang pera sa machine saka uutusan ang biktima na mag-balance inquiry.

Dahil dito, magkakaroon umano ng pagkakataon ang suspek na matandaan ang personal identification number (PIN) ng biktima habang ito ay kanyang pinipindot.

Kasunod nito ay maglalaglag umano ng pera ang suspek at paniniwalain ang biktima na galing ito sa ATM.

Habang kinukuha umano ng biktima ang pera ay saka naman mabilis na tatanggalin ng suspek ang ATM mula sa machine at papalitan ito ng ibang card.

Gayunman, pinayuhan ng BSP ang publiko lalo na ngayong kapaskuhan na laging magmasid sa paligid sa tuwing magwi-withdraw ng pera sa mga ATM machines.

Sinabi pa ng BSP na kapag hindi ka komportable na maglabas ng pera habang may nakalapit sayo ay huwag umanong matakot na sabihan ito na umatras o kaya naman ay paunahin na lang muna ito bago mag-wirthdraw.

—-

Galing sa Facebook

Eto ang mga tips ni kengkay:

1. Kung maaari, gumamit ng ATM na nakalagay sa mismong bangko.
2. I-schedule ang pag-widthraw ng pera para may oras magpunta sa mismong bangko, para maraming mga tao sa paligid at importante, para may security guard sa paligid.
3. At siyempre, iwasang mag-widthraw sa kailaliman ng gabi at sa lugar na sobrang kadiliman at walang katao-tao.
4. At kung kailangan talagang mag-widthraw at madilim na, magdala ng kasama at maging alisto sa paligid. Huwag ng mag chismisan pa sa harapan ng ATM machine, umalis agad pagkatapos mag-widthraw.

Be safe sa Pinas!

Enero 8, 2012

malagkit. it’s more FUN in the philippines!

ang malagkit

hindi ko mapigil maki-share sa campaign ng DOT:It’s more fun in the Philippines. kasi super agree naman talaga ako.

at isa ang malagkit kaya mas masaya sa pinas.

ang saya yatang kumain ng tunay na malagkit: suman, kunsinta, puto, bibingka, palitaw, bico, pandan, sapin-sapin, belekoy, ube, kulangot ni nonoy (yung pagkain na sinusundot, heheeh), binatog, okoy, minatamis sa bao, ginataan, bola-bolang kanin, kamoteng kahoy, cassava cake, ma…

hmm, ano pa nga bang malagkit na pagkain sa pinas na super sarap???

malagkit. kaya naman tunay na it’s more fun in the philippines!

Disyembre 24, 2011

andito na ang reindeer

Filed under: Uncategorized — kengkay @ 12:42 hapon

maligayang bati sa iyong kaarawan, dear baby jesus.

dito sa alemanya, ikaw ang kinikilalang nagbibigay ng mga regalo tuwing pasko.

kaya naman excited talaga ang mga bata kapag kaarawan mo, dear baby jesus.

sa inyong lahat, enjoy the party. huwag kalimutan na batiin si baby jesus ng happy birthday!!

nga pala, andito na sa amin ang reindeer. subukan naming turuang lumipad para naman makarating din sa inyo 😀

Nobyembre 30, 2011

Parol sa Alemanya

Filed under: Uncategorized — kengkay @ 6:37 umaga
Tags: , , ,
ang parol, bow!
op kors naman, meron din kaming parol dito sa alemanya.
 
ang layo ng byahe ng parol na ito ha. at sa totoo lang, ang laki ng parol pampanga namin. wala lang, dahil yung unang pampanga parol namin ay medyo maliit daw. pero kahit maliit ay makinang sya. at sya lang ang tunay na kumikinang na parol sa aming baryo, pwede na rin.
 
pero dahil nga ang daming tumutunganga sa kinang ng aming maliit na parol, nung nawala ang kinang nya pagkatapos ng piesta ng tatlong hari nuong 2007 ay siyempre pinalitan sya ng mas malaki.
 
yung maliit na parol, hand luggage ko sya. bitbit ko sya mula maynila papuntang bangkok.. habang binabaybay namin ng patakbo ang malawak na airport sa bangkok para mahabol ang aming connecting flight papuntang alemanya.
 
isang malaking sakripisyo dahil talaga namang bulky sya at siyempre, halos isang oras ko syang bitbit!! mabuti na lang yung flight namin papuntang alemanya ay hindi puno kaya nagkaron ng upuan ang aking parol. ang saya 😀
 
yung pangalawa namang parol, medyo malaki sya. as in doble ang laki dun sa nauna naming parol. op kors, dapat hand luggage din sya. pinuno ko muna ang karton nya ng styropor at plastic bubbles para sigurado. kaso nung asa airline counter na kami, extra large luggage daw yung parol so dapat i-give up. waaaaaa. katakot.
 
ginive-up ko sya pero sabi ko pramis dapat hindi sya magiging christmas balls pagbalika sa akin ha. mabuti nalang at tinalian ko talaga ang karton ng parol ng sang tambak na fragile red tapes.
 
as halos 16 hours na flight papunta ng alemanya, ang parol ang asa isip ko. buhay pa kaya sya??? nung hinahanap na namin ang aming bagahe sa airport, hindi lumabas ang parol! kabog na ako. mabuti na lang may nagsabi sa amin na iba ang pwesto ng extra large luggages… ayun, nakita namin si parol.
 
pagdating ng bahay, binuksan agad namin sya. buo ang parol!! ang saya 😀
 
sa totoo lang, stressful magbitbit ng parol. pero kapag nakita mong nag-iisang kumikinang ang bahay mo dahil sa parol, ang saya ng feeling!
 
i derpor conclude, magbibitbit at magbibitbit ako ng parol sa alemanya. basta! kayo din?
 
lapit na pasko kaya busy na ako, eto isa sa pinagkabisihan ko, ang ganda di ba?
 
 
Bagong Pahina »