Kwentong Kengkay

Disyembre 10, 2007

Tama ba yun?

Nakakabaliw ang araw na ito dahil:

1. Berdey nung panganay ko pero ang isip namin ay kung ipapasok ba sya sa hospital o hinde.

2. Ang aga namin gumising hindi para maging abala sa handa kundi dahil dapat maaga umalis si kengkoy at ang berdey girl papunta ng hospital para sa kompletong check-up nya.

3. Sisimulan ng berdey girl ang araw nya ng pagbibigay ng dugo, at hindi yon simple ha.

4. Sempre, imbes na magkakasama kaming pamilya ay magkakahiwalay kami. Yung kalahati ay asa hospital, at yung kalahati ay asa bahay at parehong tumatahol. Si kengkay ay wala na ring boses sa mga araw na ito.

5. At eto ang matindi, kaming buong pamilya ay may sakit. Ang tindi talaga ng virus na kumapit sa bahay namin. Bagsak talaga kaming apat. Hay buhay talaga.

6. At ang masama pa nito, ang berdey girl, na dating walang problema sa pag inom ng gamot; ay nagwawala kapag oras na ng inom nya ng gamot. Akala siguro ng buong kapitbahay namin ay kung ano na ginagawa namin sa kanya pero anong magagawa namin, kailangan nyang uminom ng gamot. Para sa kanya din iyon. Kakasakit ng ulo lalo.

Pero kahit na sa dami ng sakit ng ulo ng araw na ito, masaya pa rin ako dahil hindi kailangang mag check in ang aking panganay sa hospital. Nag stabilize yung resulta ng kanyang blood tests. At kahit papano ay nakapag bake ako ng cake kagabi at naayos yung birthday table ng aking berdey girl na may lobo pa.Β Β At kaninang umaga, bago sila umalis papuntang hospital ay nakapag blow the candle pa sya.

At sempre, sa mga pagkakataong ito malalaman kung sino ang nagmamahal sa yo.

Dahil cancelled yung birthday party, ang daming mga nanay na nag offer ng tulong sa aming pamilya. Pwede raw silang magdala ng pagkain o magbantay sa mga bata. Kaka touch naman πŸ™‚ At sempre, tumawag ang immediate family at dumalaw ang pwedeng dumalaw at inabot yung regalo nila para sa mga bata. Regalo para sa mga bata kasi dito kapag bata ay may birthday, may konting berdey din yung kapatid nya. Walang inggitan baga.

At iyong mga bumibista sa aking blog kahit na hindi ako makapag blog hop, maraming salamat. Kaya naman hindi ko mahindian ang ang magblog kasi ito lang ang nakakatulong para mawala ang stress sa mga ganitong pagkakataon, at sakaΒ ito lang ang paraan para makawala ang mga asa looban ko.Β Ngayon ko lang na realize, talaga palang may blogging family na ako πŸ™‚Β 

Advertisements

18 mga puna »

  1. kawawa naman si panganay mo. anong virus ba yang dumapo sa inyo? dito sa pinas, usong-uso naman ang dengue. i hope everything’s okei with your family mommy kengks. sweet din pala ang mga aleman ano. akala ko cold sila. pero tingnan mo’t in times of trouble, they easily offer a lending hand. happy birthday kay panganay!
    kengkay: nagulat din ako sa mga offers nila at sa mga tumawag at bumisita πŸ™‚ alam mo, until now di pa rin nila makita kung anong sakit talaga nya e. kakabaliw na nga e.

    Komento ni antuken — Disyembre 10, 2007 @ 6:12 hapon | Sagutin

  2. eeeekkk! ano ba yan?! when it rains! it’s four! i mean, sana gumaling na kayo noh kasi di ako makarelate! eh wala pa akong anak eh! wala akong obaryo! Pero, hope you guys be ok in the neks few days!!! happy berdey na lang achekwa sa eldest!
    kengkay: hay, eeeekkk talaga. mabuti yung ampon nyo ni ambo e makapal balahibo, hindi tatalaban ng ubo at sipon, hehehe

    Komento ni reyna elena — Disyembre 10, 2007 @ 11:39 hapon | Sagutin

  3. te… wala akong ibang malalim na masasabi kungdi… this too shall pass… bagong-bago di ba? pero tunay nga… matatapos din lahat… haberday sa prinsesa mo!!!
    kengkay: tama ka dyan, this too shall pass… salamat sa bday greetings!

    Komento ni Lenggai — Disyembre 11, 2007 @ 1:46 umaga | Sagutin

  4. pagaling kayong lahat hirap may sakit. kami nga kalalabas lang matapos mag-check-in ng apat na araw sa ospital.

    hapi berdey sa little kengkay…
    kengkay: naku, mabuti naman at okay na sa inyo. hirap talaga ng may sakit ang mga bata ano

    Komento ni bruhilda — Disyembre 11, 2007 @ 2:55 umaga | Sagutin

  5. lintek na virus yan at talagang makulit… buti naman at kahit papano e ok naman. πŸ˜€ nawa’y layasan na kayo ng lintek na virus na yan.
    kengkay: higpit ng kapit ng virus e…

    Komento ni jojie — Disyembre 11, 2007 @ 3:09 umaga | Sagutin

  6. get well soon sa inyong lahat.. and happy berdey na rin sa iyong bebe gel.. πŸ˜€
    kengkay: salamat

    Komento ni YouAreYou — Disyembre 11, 2007 @ 3:37 umaga | Sagutin

  7. kawawa naman pala kayo kahat tinamaan ng sakit… dahil sa weather na din cguro… nakakatouch namang tlga lalo na kapag may nagmamalasakit sa mga anak dibah. pagaling kayong lahat.
    kengkay: kaka touch din yung mga comments na galing sa blogging world πŸ™‚

    Komento ni Rhapsody — Disyembre 11, 2007 @ 3:42 umaga | Sagutin

  8. naku lintek na virus na yan kung saan saan nagpupunta,galing lang sa amin nyan binigyan pa kamo ako ng sour eyes mga lag nat naman doon sa aking chikiting patrol bizit! Sori to hear about your li’l girl mi kengs! happy birthday to her! baligtad siya dito sa aking bulelets eh gusto naman mag si inom ng gamot maski ala na silang sakit lalo na yung cough syrup gustong gusto hahaha

    Ingat mamuah hope you have a great week ahead!
    kengkay: ang daming virus daw na gumagala ngayon dito sa alemanya ha at tinatamaan ang mga kids talaga… stay healthy cheh!

    Komento ni cheh — Disyembre 11, 2007 @ 6:14 umaga | Sagutin

  9. ganda naman ni little kengkay! pwede ba ikontrata ko na yan sa pamangkin ko? hehe!
    kengkay: asan na si pamangkin mo πŸ™‚

    Komento ni eNocH — Disyembre 11, 2007 @ 6:40 umaga | Sagutin

  10. Belated Happy Birthday to M!!! sorry to hear what happened to her birthday pa niya mismo. I pray that she is doing ok now. Bakit ganuon kapag malapit na ang birthday ng mga bata prone sila na magkasakit. I know your great mom, so i m sure kayang kaya mo yan and will just continue praying for M to get better and overcome this unique family sickness.

    Hugs and kisses for M and I!

    God bless.
    kengkay: salamat ninang πŸ™‚

    Komento ni elaine — Disyembre 11, 2007 @ 8:00 umaga | Sagutin

  11. naku kalungkot naman, wawa kayo 😦 sana gumaling na kaw at family mo mamakengks para masaya na lahat hehe wag mo na kami intidihin, oks lang kahit di ka makapagblog kaya.. pero syempre since adik ka, ala makakapigil sayo ahehe get well soon kayo ha! πŸ™‚ *mwahugz*
    kengkay: feel na feel ko ang hugs, tenks

    Komento ni lilmiz — Disyembre 11, 2007 @ 8:28 umaga | Sagutin

  12. pagaling at palakas kayong lahat’
    hapi bertdey sa baby mo.
    kengkay: salamat jon πŸ˜€

    Komento ni Jon Cabron — Disyembre 11, 2007 @ 1:38 hapon | Sagutin

  13. get well soon sa inyong lahat.. lalo na sa panganay mo. πŸ˜€
    kengkay: salamat, angel

    Komento ni angel — Disyembre 11, 2007 @ 1:44 hapon | Sagutin

  14. yang virus talaga makuha lang ng isang myembro ng pamilya, hawa-hawa na.

    pagaling kayo. take care and God bless! πŸ™‚
    kengkay: dati kapag ganyan, ako pinakamatatag, ewan ko ba kung bakit ngayon e kasali na rin ako. pers taym nangyari to

    Komento ni homebodyhubby — Disyembre 11, 2007 @ 3:56 hapon | Sagutin

  15. Pagaling kayo kengks!
    kengkay: tenks, kiks

    Komento ni Kiko Matsing — Disyembre 11, 2007 @ 6:21 hapon | Sagutin

  16. Sana tuluyan ng mawala ang virus sa inyo dyan, usong-uso ngayon pati ako tinamaan. Get well soon sa inyo dyan.
    kengkay: uy sick ka rin? get well

    Komento ni MisyeL — Disyembre 11, 2007 @ 7:59 hapon | Sagutin

  17. So sorry to hear the party was cancelled, mamu. Di bale, pag magaling ka na party to the max. Ako rin ito tahul nang tahol. Ang sakit sakit ng throat ko. More than one week na. Bumalik na boses ko pero tahulin pa rin. I hope you feel better soon, especially the kids. Mahirap magkasakit ang super nanay. πŸ˜€ Padalan kita Lemsip o meron na kayo diyan?

    joy
    Norwich Daily Photo
    The Goddess In You
    Your Love Coach
    kengkay: ano ang lemsip, di ko yata alam yon. but we drink freshly squeezed lemons and green tea

    Komento ni joy — Disyembre 12, 2007 @ 10:21 umaga | Sagutin

  18. buti naman pala at bumuti na ang kalagayan ng baby mo? kumusta naman kayo lahat jan nakarecover na kayo sa virus na dumapo sa bahay nyo? taglamig pa naman ngayon, mahirap magkasakit lalo’t sabay-sabay pa.
    kengkay: medyo okay na, pero hinay hinay pa rin. ang lamig nga kasi e tapos ang dami pang may sakit sa paligid, hay buhay talaga

    Komento ni Kotsengkuba — Disyembre 18, 2007 @ 11:33 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: