Kwentong Kengkay

May 11, 2008

here fishy fishy

Nagmamadali ang change of season dito sa Alemanya. Katatapos lang ng winter e biglang naging summer agad. As in hinakbangan ang spring time dahil super init po talaga ngayong ng panahon. (Hay, hanggang kelan kaya?) Kaya madalian ang hiwalayan e; ang hiwalayan ng damit pang winter at damit pang summer.

Kaya naman tambay agad kami sa aming hardin. At hindi lang kami ang masaya dahil sa mga pangyayaring ito. Tuwang tuwa rin ang aming mga isda sa aming palaisdaan, naks, pond lang pala, hahaha. Eating time na ng mga fishy fishy! Kapag winter kasi, hindi sila binibigyan ng pagkain nila kasi andun sila sa pinakamalalim na parte ng pond e, naghihibernate. Atsaka kasi, kadalasan, natatabingan sila ng tubig na nagyeyelo.

Ngayon, ang drama naming ganito. Eto si panganay ko, halos araw araw na pinapain nya yung mga daliri nya para ngatain ng mga isdang kois at gold fish. Kasi tuwang tuwa sya na lumalapit yung mga isda sa kanila. At hindi lang yon, talagang sipsep ng mga isda yung mga daliri nila kasi akala e pagkain! Mabuti nga sila hindi nandidiri, kasi ako, ngek — ang lansa ano, hmp ;D

Huwag kayo mag alala, hindi yan case para sa green peace; kasi tuwing hapon e ang mga little kengkays talaga ang nagpapakain sa kanila. Minsan nga isang lata ang halos ibuhos sa kanila e. Sabi nga ni kengkoy, naku, hindi naman ganyan karami kumain ang mga isda. Well, tama naman sya. Kasi nung naumay na ang mga isda e pumalit ang mga ibon! E sempre yun ang ayaw ni kengkoy dahil pati isda e pagkain din nila ano. Ang mahal pa naman ng mga kois dito at sempre, hindi madali ang mag-alaga.

Ang isa pang kaaway nang aming mga kois? Ang mga tumatambay na pusa! Oh well. Hay buhay sa aming farm!

At bakit kanyo may tabing ang aming pond? Para hindi mag swimming ang mga kabataan, for safety reasons.

May 10, 2008

mother’s day problem

Filed under: Dito sa Amin, Europe, Kwentong Kengkay, Kwentong Nanay, Oyropa Ko, Panlasa — kengkay @ 1:17 pm
Tags:

Eto ha, minsan nakakabaliw din ang takbo ng buhay dito sa Alemanya e.

Sempre araw nga ng mga nanay bukas di ba? At sempre Sunday sya di ba? Ibig sabihin, sarado talaga ang mga tindahan — walang malls. Pero bukas ang mga restaurants. At tapos sa lunes e holiday dito, ibig sabihin, wala na namang malling. Pero kung magpaalam sa gobyerno e pwedeng magbukas sa lunes…

So anong problema ngayon sa mother’s day? E dahil nga pinayagan na silang magbukas sa lunes, kahit na holiday; may mga ibang cities na hindi pinayagang magbukas ng paninda bukas. Ibig sabihin, sarado ang mga tindahan bukas kung kelan mother’s day at sempre sayang naman yung mga last minute na mamimili at lalo na yung mga ngayong gabi pa lang magpaparinig na mga nanay. At sayang din yung laktwatsa kapag mother’s day. Walang benta. Walang kita.

As in nagkaron pa yan ng hearing ha. Kaso mo, baduy yung ibang city government. Talagang sarado sa mother’s day. May mga iba naman na pinayagan sila. Alam nyo kung bakit ganyan kagulo? Kasi nga nagrereklamo ang mga manggagawa, tindera, tindero, taga luto, taga-ligpit, taga linis, tsuper, etc –hindi daw porke holiday e dapat mag trabaho sila. Dapat daw ay mayron din silang oras para sa kanila, para sa pamilya nila.

Kaya yung mga hindi pa nakakabili ng regalo nila para sa mother’s day; siguradong padpad nila bukas e ang mga ginintuang regalo na asa mga gasoline stations, kasi sila pwede magbenta dahil nga gasoline station sila. Pero naku naman, super mahal ng mga bilihin dun as in hindi lang doble kundi minsan e 100 percent sa kamahalan kumpara sa mga normal na tindahan. Pero kung may oras sila, pwede silang mag biyahe sa sunod na lugar kung saan pumayag ang gobyerno nila na magbukas para sa mother’s day.

At bago ko malimutan, Maligayang Araw ng mga Nanay para sa mga ka-blag kong nanay; at para naman sa mga sumilip dito na hindi nanay, gurl, lalaki, bata, sanggol — paki-sabi na lang sa mga nanay ninyo ang aking buong pusong pagbati ng Happy Mother’s Day.

Alam nyo ba na kapag araw ng mga nanay sa Pinas e parati akong may dalang bulaklak para sa nanay ko? Ngayon tatawagan na lang namin sya at kukulitin :D Kasi mukhang late yung dating ng aming balikbayan box e. So nanay, happy mother’s day at pati na rin sa aking sister na si Jo-Anne (kaway-kaway); alam kong babasahin nyo rin ito, kahit na pagkatapos pa ng ilang taon, hehehe.

Ang alam ko may regalo na ako, kasi super secret na itong mga little kengkays e at ayaw akong pasilipin kapag naglalaro sila; at pati si kengkoy e panay ang bugaw sa akin palayo kapag nagmimiting de avance silang tatlo. Sempre kwento ko sa inyo kung anong drama namin  bukas. Kayo kwento nyo rin ha.

May 9, 2008

hiwalay kung hiwalay

Inis na talaga ako ha. Ilang buwan ko na tong dinadala sa aking isipan.

At nitong mga nakaraang araw ay talagang siksik na siksik na sya sa aking utak.

Ayoko na ngang makita. At talaga namang nakakawalang gana.

Tinakbuhan ko na nga parati. Kaso naman pati pagtulog ko, laman din yan ng isip ko.

Sikip na sikip na ako dito. Patong patong na.

Kailangan na talagang gawin.

Hiwalay na kung hiwalay.

Haharapin ko na nag aking gawain… ihiwalay ang kasuotang pang-malamig at ilabas na ang mga costumes para sa tag-init. Yipeeeee, summer time na dito sa Alemanya!

Oo, hiwalay na kung hiwalay.

Mas masarap yatang mag-bathing suit kesa mag-ski suit :D At masarap tumambay sa hardin.

May 7, 2008

takbo, kengkay, takbo

Filed under: Dito sa Amin, Duon sa Amin, Kwentong Kengkay, Oyropa Ko, Seryus — kengkay @ 6:51 pm
Tags:

Oo, yan ang pinag-gagawa ko ngayon. Takbo dito. Takbo duon. Jogging ba sa madaling salita.

Kasi naman eto nga at mainit na dito sa Alemanya. Tinago ko na ang mga makakapal na mga kadamitan. Nilabas ko na ang mga summer lovin’ dresses. Ibig sabihin niyan, labas na rin ang mga kaseksihan, di ba? E kaso mo mas marami yatang nakasiksik ngayon kesa sa naka-seksi e.

Nakakakabit pa rin ang mga sisig, baked tahong, leche flan, fried rice, tocino, kutsinta, bananacue, pata etc — nakakabit pa rin sila hindi lang sa alaala ko kundi pati na rin sa mga bilbil ko, waaahhhh.

Kaya napagisipan kong mag exercise. Nagsimula akong makipaglaro sa mga little kengkays. Luksong lubid kami, tapos skipping rope as in tinuruan ko pa sila ng double at yung naka cross ha :D Tapos meron silang hullahoop, ayun, ikot ikot din ang aking mga bewang habang kumakanta si Sharon sa aking mga tenga. Kaso mo kulang pa rin e.

Naisip kong makisabay sa pag-jo-jogging nung isang nanay rin na pilit na pilit magpapayat. E kung sya nga mas malaki pa sa akin ang sipag mag-jogging; ako pa kaya? Ang sabi ko daanan nya ako sa bahay at sabay kami mag jogging. Ayun nga dumaan sa bahay. Aba sporty ang dating. Tapos karipas agad ng takbo, hindi naman ako pahuhuli.

E kaso mo biglang gusto ng bumigay ng legs ko, sabi ko mauna na sya at ayokong humilata na lang bigla sa kalye. Sabi ko dahan dahanin ko itong jogging at marami pa akong responsibilidad sa buhay. Edi may i run away na sya at iniwan nya ang beauty ko na biglang nag brisk walking na lang. Pero sempre, pahinga lang yon. Kasi humirit din ako ng takbo paminsan minsan. Yun na nga lang, napag iwanan na nya ako. Nag short cut si kengkay. hahahaha

Pero kahit na, umabot din ako ng isang oras sa takbo at brisk walking ko na yon ha. Especially since maganda ang mga tanawin na nakikita ko at sempre, masarap na hangin ang nasisimoy ko. Medyo nagustuhan ko yung unang takbuhan na yon kaya ngayon e tuwing umaga, imbes na umupo ako sa harap ng computer para mag-blog; tinatakbo ko na lang. Mag-iisang linggo na akong tumatakbo ha.

Na ikinatuwa naman ni kengkoy kasi matagal na nyang sinasabi na sa kakaupo ko daw sa harap ng computer e dun daw ako talaga magiging dambuhala. Mabuti na lang kamo hindi nya nakikita yung mga sitserya kong nginangata everytime na ako e nagbo-blag o nag bo-blag hopping :D

Kaya eto, takbo kengkay, takbo!

May 5, 2008

Tuwad Tuwad

Naki-pag EB ako kahapon sa isang mommy blogger na taga-Alemanya rin. Hindi pa kami matagal na nagpapalitan ng kuro-kuro sa aking nanay blog pero dahil nagka-chikahan na kami sa telepono at nagkapalitan na ng address; keri na rin yung EB. E kasi naman ang lapit lang balay nya dito sa amin e.

Especially since kawawa naman si kengkay dito kasi ang halos ka chika lang e ang kanyang mga ka-blag :D Masarap naman na may ka chika ng harapan di ba? So plano, plano. Calling calling. Comment comment. At finally, nagkatagpuan din. Dahil pareho kaming takot mag drive; sinali na namin ang buong pamilya sa EB.

Dun kami nagkita sa kanyang balay, medyo nahiya pa nga sya kay kengkoy dahil maliit lang daw bahay nya. E sabi ko naman kay kengkoy pa sya nahiya e marunong nga gumamit ng tabo si kengkoy, kowboy yang asawa ko. O ayun, pumayag din. Nagkaligaw ligaw man, nagkakitaan din.

O bakit naman tuwad tuwad ang taytol ng post ko? Kasi kwentuhan kami tungkol sa disiplina sa mga bata. Sabi nya, nung maliit daw ang mga anak nya; kapag nagagalit sya, pinatutuwad nya yung mga bata - ready yung pwet para paluin nya. Sasabihin daw nya: ‘tuwad, tuwad’ - naku, yung panganay nyang anak na lalaki e magiging behave agad. Yung anak naman nyang babae, tinatakbuhan lang daw sya, hahah. Natatawa ako kasi si Kim, yung anak nya, 16 years old na pero until now hindi daw nya makalimutan yung ‘tuwad tuwad’ ng nanay nya :D

At sempre, may leche flan sa hapag kainan. Ang sarap po talaga. Hiningi ko nga yung recipe kasi hindi daw sya gumamit ng condensed milk (iba kasi ang condensed milk dito e, malabnaw din katulad ng evaporated milk); regular milk lang daw ang gamit nya. Masubukan nga. At ang matindi nito, meron kaming take out, hahaha. Feeling ko nakipyesta ako dahil sa dami ng pabalot. E sino naman akong tatanggi di ba? Tao lamang ako na may sikmurang hindi aangal :D

Eto pa ibang photos. Sempre sa sunod, kami naman ang taya.

Next Page »

Blog at WordPress.com.