Kwentong Kengkay

Oktubre 31, 2008

helowin

Filed under: Dito sa Amin,Oyropa Ko — kengkay @ 4:04 hapon

alam nyo bang hindi uso dito sa alemanya ang halloween na yan? bagong tradisyon lang yan dito.

nung unang taon ko dito, may konting dekorasyon kami sa halloween pero dahil eng eng si kengkoy kung ano ang halloween e hindi ko na rin inatupag na i explain sa kanya. basta naghanda ako ng aking espesyal na homemade cookies para sa mga mag trick or treat.

may mga dumating rin naman pero mga limang batang naka costume lang ang dumaan dito sa bahay namin at mga limang mukhang nakisaling pusa lang kasi hindi naka costume. hindi na ako nagtaka kasi nga walang kamuwang muwang si kengkoy kung ano ang halloween.

so nung mga sumunod na taon, pinilit kong gawing tradisyon ang trick or treat. talagang pinagsabi ko sa mga bata na pwede silang dumaan sa bahay namin. at sempre, kuntodo ang aming dekorasyon, pero karamihan dyan e libreng dekorasyon — eto pechur.

at kapag gabi na, sempre dagdag ko pa dyan ang mga ilaw ng kandila para talagang makita nilang welcome sila sa aming bahay. o ayun, ang saya ng halloween ng mga little kengkays kasi kung ano anong monsters ang nakita nila, heheh. at nung marunong na silang maglakad, sempre nag costume na rin sila at nag trick or treat. ang sinasabi nila dito e hindi trick or treat kundi suesses oder saures (sweet or sour).

at sa totoo lang, ilang kalabit pa lang dito sa doorbell sa mga kapitbahay e ang bigat na agad ang dala nila. yung iba kasi e supot supot na candies talaga. at yung iba, mga pinagsabihan ko na kasi, so ayun, may mga espesyal na supot sila para sa mga kyut na little kengkays, hahaha. sipsep kasi mga anak ko e.

ang trick dito, kapag walang ilaw, lagpasan na agad kasi yun ang mga taong hindi nagbibigay talaga. at ang trick isa pa, si kengkay ang naiiwan sa bahay at si kengkoy ang kasama ng mga bata na mag trick or treat kasi naman ang lamig ano..

nung isang taon ang dami nilang nakuhang candies… eto pechurss…

ang talagang tradisyon dito sa alemanya e ang pumunta sa burg frankenstein (ang kastilyo ni frankentein) kapag halloween. malapit lang sya dito sa amin pero hindi kami nakapunta ngayong taon dahil alam nyo na kung anong mga dagok na dumating sa aming tadhana nitong mga nakaraang linggo. baka next year dun kami mag halloween 🙂

nung bata pa kami, nagpupunta kami sa magallanes village para dun maki trick or treat. ang aga naming maki social climbing ano, hehehe

naranasan nyo na bang mag trick or treat?

Advertisements

15 mga puna »

  1. ako hindi pa. pero kung may chance gusto ko.

    Komento ni nina — Oktubre 31, 2008 @ 8:06 hapon | Sagutin

  2. hindi uso sa mga mangyan yan,hihihi..

    pero infernes masaya lalo na sa mga kids na excited mag custume db? at excited sa mga kendis,hihi

    Komento ni p0kw4ng — Oktubre 31, 2008 @ 8:51 hapon | Sagutin

  3. Naku, dito sa Pinas, unti unti na atang nawawala ang trick or treat. Uso na dito yung Joc Joc… Musta na ate Kengkay. 🙂

    Komento ni blogRebel — Nobyembre 1, 2008 @ 5:40 umaga | Sagutin

  4. parang gusto ko rin pumunta sa kastilyong yun. 😉

    Komento ni joshmarie — Nobyembre 1, 2008 @ 11:07 umaga | Sagutin

  5. galing naman ni mommy kengks! kaw pa ang nagpauso ng trick or treat sa inyo. hahaha.. pero di uso yan dito sa place namin eh. 😦

    Komento ni Neex — Nobyembre 1, 2008 @ 11:49 umaga | Sagutin

  6. kengkay, di ko naranasan ang trick or treat dahil di pa yan uso nung kabataan ko 😛 but it’ll be nice to experience it siguro

    Komento ni sheilamarie — Nobyembre 1, 2008 @ 4:03 hapon | Sagutin

  7. Naku, Unang taon ko dito sa USA, at hindi ko alam na kina-career pala talaga dito ang mga costumes at dekorasyon na iyan. Grabeh! Kakatuwa, na parang, kaka-ewan. Hehehehe. Ah well. Hope you had fun! God bless!

    Komento ni lionel (acid42) — Nobyembre 1, 2008 @ 4:34 hapon | Sagutin

  8. wow naman.. ang sweet kasi nila little kengkays kaya dami din nilang mga candies!

    Komento ni angel — Nobyembre 1, 2008 @ 4:44 hapon | Sagutin

  9. wow naka naman si ate kengkay… trend setter sa Alemenya. ako kanina nagulat may kumatok sa amin na mga bata, sabi trick or “threat” daw (joke)… sabi ko kanila sa buong tanan ng paninirahan ko dito doon lang ako naka-experience ng ganun. ayon binigyan ko sila ng maraming stork… hehe

    Komento ni hitokirihoshi — Nobyembre 1, 2008 @ 5:30 hapon | Sagutin

  10. nung bata pa kami sa probinsya, kapag daw bilog ang buwan lumalabas ang mga nakakatakot na mga “hayup”, yun ang halloween sa akin. since i love horror movies, one time after JS prom pauwi kami, naglalakad lang kami at hinahatid namin yung mga girls pauwi. one time, nakakita kami ng “white lady” nakatayo sa may malaking puno kapag bilog ang buwan andun sya parati. minsan dahil sa curiosity one of our friend hindi napapigil nung nagpakita yung white lady sinundan nya, nung nadun na sya sa puno nakatalikod yung “white lady”, at biglang sumigaw sya ng “anokavah noh, ginulat mo ako noh, nagpapahangin lang ako dito dahil ang init”. Yun pala yung white lady ay yung kapitbahay nilang bading.

    In HK, halloween is all about marketing, profitable in a sense, people wear scary, funny, stupid halloween clothes and get drunk in the middle of the night screaming and puke on the street. Pero talagang, mas popular ang Halloween dito kesa Xmas. Ewan ko ba, for me those chalk-white women are a lot scarier than those who wears costumes.

    Komento ni K — Nobyembre 1, 2008 @ 6:29 hapon | Sagutin

  11. hindi rin uso sa min yan kung san ako lumaki (squatter’s area). Pag ginawa mo yan sa kapitbahay mo malamang mabuhusan ka pa ng arinola sa halip na candy. Pero magandang trivia yan ha. Ngayon ko lang nalaman di pala uso sa germany ang halloween. Gusto ko rin makapunta sa kastilyo ni Frankenstein!!!

    Komento ni Helena — Nobyembre 1, 2008 @ 7:57 hapon | Sagutin

  12. saya naman. sa atin tuwing pasko lang ang mga bata nagbabahay bahay eh. hehehe

    Komento ni gmac — Nobyembre 2, 2008 @ 5:52 umaga | Sagutin

  13. naranasan ko yan, alalay ng mga aso ko na nagt-trick or treat.

    Komento ni taps — Nobyembre 2, 2008 @ 7:04 umaga | Sagutin

  14. mommy k nung isang gabi may kumatok para mag trick or treat, pinatay ko yung ilaw kasi naubos na namin ang sweeties. hahaha.. so yun, trick ang kanila. hahaha

    di ko naranasan yan nung bata ako.. hmp.

    Komento ni utakmunggo — Nobyembre 2, 2008 @ 9:51 umaga | Sagutin

  15. Hello Kengkay!

    Dito naman, uso na yang trick or treat sa amin, nakakatuwa talaga yong mga batang naka-costume. Last year nga nakalimutan naming bumili ng mga pamimigay, buti na lang may konti kaming naitago. Ayayay! Ngayon naman, dami naming pinamili, may sobra pa. 🙂

    Komento ni Sofie — Nobyembre 4, 2008 @ 10:11 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: