Kwentong Kengkay

Agosto 8, 2011

Prutas at Gulay

Filed under: Kwentong Kengkay,Oyropa Ko — kengkay @ 1:23 hapon

patalastas: kung gusto ninyo kumita ng konting pang-shopping, join kayo dito sa clubshop.com easy lang, just click and be a member. at ang masarap, libre!!!
clubshop.com

namimitas ng blackberry

Alam nyo bang bawal na kaming bumili ng prutas at gulay?
(more…)

Hulyo 13, 2011

nagsipaan si schumacher at vettel!

dati wala akong paki-alam sa Formula 1, pero dahil big fan si kengkoy — medyo nahawa na rin yata ako.

pati mga paro-paro ko sa tiyan ay nagkakagulo kapag oras na ang Formula 1 race e. ayaw ko pa naman ng sobrang exciting na mga ganyan. hindi ako mapakali.

ni hindi ako makapanood ng matino kasi nga ang gulo ng paru-paro ko sa tyan e. akala mo minsan ay nakakatakot ang pinapanood ko kasi nagtatakip ako ng mata. o kaya naman ay umaalis sa harap ng telebisyon; lalo na kapag hindi ko alam kung mananalo ang idol ko!!

pero teka, sino nga ba ang idol ko sa Formula 1? dati type ko si mika hakkinen — wala lang, para kasing gentleman ang dating. parang hindi tungkol sa sports yata, ano πŸ˜€ tapos si raikkonen, dahil iba ang dating. naku, parang crush ang pinag-uusapan yata!

kasi nung natuto akong manood, number wan na si schumacher e. wala ng makatalo sa kanya. medyo ang boring na ng F1. pero nung biglang dumating si sebastian vettel, ayan, pinabilib ako ng boy-next-door na yan. medyo asiwa ako kay niko rosberg e, macho boy ang dating (ano ba, crush pa rin ang pinaguusapan!).

lalo ako natuwa kay vettel nung pinagtawanan nya yung sarili nya nung nakuha nya yung driver’s championship — kasi daw naiyak daw sya at dyahi daw!!! ay, talagang gusto ko syang kurutin (ngek, naging pet show)

at kelan daw nagsipaan si schumacher at vetterl? DITO. ngek, magsisipaan pa lang pala. merong charity football at kasali ang mga mama ng F1 laban sa mga celebrities ng alemanya. neks wik na, sana makapanood kami.

eto ang kwento. puntahan nyo plis para naman masaya si kengkay:
DITO

Hulyo 16, 2009

berri berri

Filed under: Oyropa Ko — kengkay @ 3:21 umaga
Tags: ,

naisip ko lang naman. pwede kayang mangyari na sa mga sumunod na panahon e matanggap din ng mupa sa pinas ang magkaron ng berries? alam ko ang aratiles e berries din, at sempre may strawberries din sa bagyo pero alam nyo yun, yung parang ganito e….

berries

berries

(more…)

Hunyo 24, 2009

berdey ni rizal sa alemanya

Filed under: Oyropa Ko — kengkay @ 8:01 hapon
Tags: ,

atsaka na yung pechurs ng fingerfood dahil may chika akong iba.
nagpunta kami ng consulate ng pilipinas sa frankfurt nung isang linggo. napadaan kami dito sa higanteng babaing kumakaway. kita nyo sya?

sa frankfurt

sa frankfurt


kung hindi pa kami naligaw sa consulate, hindi pa namin mababasa itong nakapaskel na ito: announcement para sa selebrasyon ng berdey ni gat jose rizal. binasa ko kay kengkoy, gusto ko kasi pumunta kaso naman puno na ang schedule namin sa mismong sabado na yon…
ang announcement tungkol sa berdey ni rizal

ang announcement tungkol sa berdey ni rizal


aba, anong saya ko nung sabihin nya na pupunta daw kami! yipeee. sempre naman, ngayon ko lang nalaman na parati pala nilang pinaghahandaan ang berdey ni rizal lalo pa at meron ngang jose rizal park dito sa alemanya. bakit kaya hindi sya masyadong alam ng ibang tao? sa internet nga hindi ko sya nakita e. sana sa sunod mas laganap ang balita tungkol dito. (more…)

Hunyo 22, 2009

fingerfood

Filed under: Kwentong Kengkay,Oyropa Ko — kengkay @ 4:19 hapon
Tags: , ,

di ba nakwento ko sa inyo na nagberdey kaming pareho ni kengkoy nitong hunyo? ngayon ay pasisilipin ko kayo sa naging handaan.

hirap ng naging desisyon namin. balak sana namin e magbarbecue party. kaso mo naman e sa dami ng bisitang balak naming imbitahin e parang hirap yata magbarbecue. mga 20 na adults kasi at 10 kiddies ang asa listahan. e dito mismong sa harapan ng bisita dapat magberbecue. dapat mainit pa kapag nilapag yung barbecue sa harap nila. sabi ko hirap yata nun. kawawa naman si kengkoy kasi sya ang taya kapag ganun.

naisip namin sa restaurant naman. dun sa pinuntahan namin ni pokwang nung nagliwaliw sya dito sa amin. kaso mo naman, mura nga yung pagkain; taob naman kami sa inumin. alam nyo naman, kasali sa mga party na ganyan e yung sekt o champagne para i-greet yung guests tapos sempre beer at wine sa buong oras na nakaupo sila. at sempre may mga gusto pang magkape-kape. nakakasakit ng ulo yung gastos. kasi isang bote pa lang ng beer e 2.50 oyro na agad ano. times 65 pesoses yun.

naisip namin yung kilala naming butcher. kasi meron syang catering service, tanong kami kung anong maganda. fingerfood daw. kasi kakaiba daw yun. yun daw ang uso ngayon. huh??? eheste, kakaiba ang fingerfood dito sa alemanya!!!! parang gusto kong sabihin, belaaat, basta sa pagkain una ang pinas, hehehe.

kasi sa atin tagal ng kilala yang fingerfood na yan di ba? dito ngayon pa lang nauuso yan. kaya naman feeling sikat yung butcher namin nung ini-explain yung tungkol sa fingerfood. sempre kunyari manghang mangha ako sa concept ng fingerfood. super excited silang dalawa ni kengkoy e.

anyway, nagbigay sya ng listahan. ngek, ang mahal! imagine ang budget sa fingerfood per person e 24 oyro. ngek, almost 2,000 pesoses per person! na shock ako, parang gusto ko na lang magpapansit at magputo. kahit na umagahin ako sa magprepara ano. mabuti naman at dahil suki na nya kami e natawaran namin yung kanyang presyo. kaya ayun, nung naghanda kami e fingerfood nga.

sikat ngayon ang pamilya kengkay! kami yata ang unang unang nagpakilala ng fingerfood party dito sa aming baryo! tuwang tuwa silang lahat. busog na busog. ibang klase daw ang aming handa. fingerfood πŸ˜€

sampol pa lang yan :D

sampol pa lang yan πŸ˜€

sa sunod na post ko mas maraming pechurs! antay lang at medyo busi busihan si kengkay sa mga araw na susunod.

Bagong Pahina »