Kwentong Kengkay

Abril 26, 2009

tansan para sa NAIA

Filed under: Kwentong Kengkay,Pinas — kengkay @ 11:27 umaga
Tags: , , ,

alam nyo kung gaano kasarap ang feeling ng asa taas ka ng ere at mula sa upuan mo sa eroplano at nakikita mo ang maynila? kakakilig. parang yung nakakasilay ka sa crush na crush mo, hehehe. super excited talaga.

at paglapag ng eroplano, sempre mas exciting talaga. parang unang halik 🙂 at paglabas ng eroplano, ay may konting kaba na. mahaba kaya ang pila sa immigration? may sundo kaya? mauna kaya ang aking bagaheng isuka ng eroplano? libre pa rin kaya ang baggage cart? sino kaya ang susundo sa amin? magpapaporter ba o hindi?

pero bago ko naisip ang lahat ng iyan e nag may i go out muna kami ni bunsoy. ayaw kasi ni bunsoy gumamit sa eroplano e. takot na takot syang pati sya e ma-flush dun sa kagimbal-gimbal na ingay kapag gumamit ka ng toilet sa eroplano. parang pati ikaw e ma flush dahil sa lakas ba naman e. (more…)